History, asked by Sh1nzo, 3 months ago

1. Ano ang hiling ni Haring Solomon sa Diyos? Bakit daw ito ang kanyang hiniling?
2. Ano ang naging reaksiyon ng Diyos sa kanyang naging kahilingan?
3. Kung ikaw si Haring Solomon, ganoon din ba ang iyong hinihiling? Bakit?

Answers

Answered by amangarnayak04
4

Answer:SI HARING SOLOMON

Si Solomon ang naging hari ng Israel. Minahal niya ang Diyos.

1 Mga Hari 2:12; 1 Mga Hari 3:3

Hiniling niya sa Diyos na tulungan siyang maging isang mabuting hari. Ang Diyos ay nasiyahan dahil ginusto ni Solomon na maging mabuti. Gusto ng Diyos na pagpalain si Solomon. Tinanong ng Diyos si Solomon kung anong pagpapala ang gusto niya. Gusto ni Solomon na maging matalino. Ang Diyos ay nagalak na pinili ni Solomon na maging matalino. Sinabi Niya kay Solomon na sundin ang Kanyang mga kautusan. Pagkatapos si Solomon ay magiging matalino.

1 Mga Hari 3:6–15

Si Solomon ang naging pinakamatalinong lalaki sa mundo. Ang mga tao ay nanggagaling pa sa ibang mga lupain upang magtanong sa kanya. Sila ay binigyan nila ng matatalinong kasagutan. Ang mga hari at reyna ay pumupunta upang siya ay makita. Siya ay dinadalhan nila ng magagandang handog.

1 Mga Hari 4:21, 29–34

Ang mga Israelita ay nagpupunta kay Haring Solomon kapag kailangan nila ng tulong. Isang araw ay dalawang babae ang nagpunta sa kanya na may dalang sanggol na lalaki. Sinabi ng mga babae na sila ay nakatira sa iisang bahay. Pareho silang nagsilang ng sanggol, subaiit isa sa mga sanggol ay namatay. Ngayon ay gusto ng dalawang babae ang buhay na sanggol. Bawat ina ay nagsabing siya anak nila ang sanggol. Gusto nilang sabihin sa kanila ni Haring Solomon kung sino ang mag-aalaga sa sanggol.

1 Mga Hari 3:16–22

Gustong malaman ni Solomon kung sino sa mga babae ang ina ng sanggol. Siya ay may matalinong balak. Humingi siya ng espada. Sinabi niya sa isang tagapaglingkod na hatiin sa dalawa ang sanggol. Ibibigay niya ang kalahati ng sanggol sa bawat babae. Hindi talaga ipahahati ni Solomon ang sanggol. Gusto niyang makita kung ano ang gagawin ng mga babae. Alam niya na ang ina ng sanggol ay hindi papayag na masaktan ang kanyang anak.

1 Mga Hari 3:22–25

Explanation:

Similar questions