History, asked by queensebelmajasol, 5 months ago

1.) ANONG DAHILAN KUNG BAKIT NAPASOK ANG DAYUHANG AMERIKANO SA ATING BANSA???

2.) SA TINGIN MOH BAKIT KAYA HINDI KAAGAD NAKUHA ANG KASARINLAN NG MGA PILIPINO?

Answers

Answered by lakshmimandi2248
5

Answer:

Isinusulong ang Abril 12, 1895, bilang pinakaunang petsa ng pagpapahayag na ginawa sa Yungib Pamitinan sa Montalban, Rizal, nang isinulat ni Andres Bonifacio––sa harap ng ilang pinuno ng Katipunan––ang “Viva la independenia Filipina!” sa mga dingding ng yungib.

Isa pang petsa na naggugumiit para sa Araw ng Kalayaan ang Sigaw sa Pugad Lawin na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Pinunit ni Bonifacio, sa harap ng maraming Katipunero, ang sedula niya bilang tanda ng paglaban at paglaya mula sa mga makapangyarihang mananakop na Español. Agosto 26 ang pinamaagang petsa ng mga naunang paggunita sa Sigaw. Binago ang opisyal na petsa mula Agosto 26 patungong Agosto 23 dahil sa testimonya ng mga nabubuhay na Katipunero nang panahong iyon, tulad ni Pio Valenzuela. Gayumpaman, iminumungkahi ng mga kasalukuyang pag-aaral na nangyari ang Sigaw noong Agosto 24.

Subalit isa pang petsa ang nakikipagtunggali na isinusulong ng Philippine Historical Association [Samaháng Historiko ng Pilipinas], na pinangangatwiranang ang pagpapahayag ng kalayaan mula sa paghahari ng España, sa Kawit, Cavite, noong Hunyo 12, 1898, (kasama ang opisyal na pagwawagayway ng bandila at pagtugtog ng pambansang awit) ay “hindi nakasalalay sa kagustuhan at pasya ng iba.” [amin ang salin] Ang petsang ito ang kasalukuyang opisyal na petsa ng Araw ng Kalayaan.

Ang Oktubre 14, 1943, sa ilalim ng Ikalawang Republika ang pinakahindi nababanggit na Araw ng Kalayaan.

Sa bandang huli, may Araw ng Kalayaan na ipinagdiriwang hanggang bago ang 1962––ang Hulyo 4, 1946, na ipinahayag sa Luneta, Maynila. Ito ang petsa nang kinilala ng samahan ng mga bansa ang kalayaan ng Pilipinas. Ipinagdiriwang pa rin ito ngayon bilang Araw ng Republika.

MGA PANGYAYARING PATUNGO SA HUNYO 12, 1898

Sa mga unang yugto ng Himagsíkang Pilipino na pinamumunuan ng samahang lihim na kilala bilang Katipunan, sumang-ayon si Andres Bonifacio, ang pinuno ng samahan, na makipagkita sa iba pang kinatawan ng Katipunan mula sa dalawang paksiyón––ang Magdiwang at ang Magdalo––sa San Francisco de Malabon sa Cavite (General Trias na sa ngayon) upang pag-usapan kung pananatilihin ang Katipunan noon o magtatatag ng pamahalaang mapanghimagsik. Dahil dito, nabuo ang Kumbensiyon sa Tejeros na ginanap noong Marso 22, 1897, at may 26 na kinatawan. Nagkaroon ng halalan para sa mga pinunò nito: nahalal si Emilio Aguinaldo bilang Pangulo, at si Andres Bonifacio, na dating pinunò ng Katipunan, ang nahalal bilang Tagapamahala ng Ugnayang Panloob. Sa simula, tinanggap ni Bonifacio ang katungkulan niya, subalit naupasala siya nang hindi sumang-ayon si Daniel Tirona. Ipinawalang-bisa ni Bonifacio ang mga naganap sa Kumbensiyon sa Tejeros, at nagtatag ng isang bagong pamahalaan. Tiningnan ito ng iba bilang isang pagtataksil at hinatulan si Bonifacio ng pagtangging kilalanin ang bagong tatag na pamahalaang mapanghimagsik. Dinakip siya at hinatulan ng kamatayan sa Maragondon, Cavite.

Ipinagpatuloy ng pamahalaang mapanghimagsík, na pinamumunuan ni Aguinaldo, ang himagsikan laban sa mga Español. Sa puntong ito, papahina na ang himagsíkan sa tingin ng mga Español at nagtuon sila ng kanilang pansin sa pagtugis kay Aguinaldo at sa mga kasamahan nito. Sa bandang dulo ng 1897, napilítan si Aguinaldo na umatras sa bulubundukin ng Biak-na-Bato dahil sa mga parating na puwersang Español; doon siya nagtatag ng kuta ng kaniyang pamahalaan. Isang kasunduang pangkapayapaan sa mga maykapangyarihang Español ang napagkayarian dahil sa Kasunduan ng Biak-na-Bato. Nilagdaan ang kasunduan noong Disyembre 16, 1897, na sinasang-ayunan ang pagdestiyero sa mga pinunò ng himagsikan sa Hong Kong, at pagsusuko ng kanilang mga sandata kapalit ng reporma, proteksiyong pampananalapi, at mga pardon. Lumisan patungong Hong Kong si Aguinaldo at ang kaniyang mga kasamahan noong Disyembre 24, 1897.

Sa Hong Kong, itinatag ni Aguinaldo at ng mga kasamahan niya ang Húnta, na kumilos tungo sa pagpapatuloy ng himagsíkan at pagkakamit ng kalayaan mula sa mga Español. Sa simula ng Digmaang Español-Amerikano, nakipag-ugnayan kay Aguinaldo ang Komodoro ng Hukbong Pang-Asya ng Estados Unidos na si George Dewey upang tumulong sa paggapi sa mga puwersang Español sa mga lupain. Nagpadala si Dewey ng barko para kay Aguinaldo, at dumating siya sa Cavite noong Mayo 19, 1898, at pinagsanib ang mga puwersang mapanghimagsik. Pagdating ng Hunyo 1898, naniniwala si Aguinaldo na magbibigay ng inspirasyon sa mga tao na lalo pang sumigasig sa paglaban sa mga Español ang pagpapahayag ng kalayaan, at kasabay noon ay maghahatid ito sa ibang mga bansa upang kilalanin ang kalayaan ng ating bansa. Noong Hunyo 5, 1898, nagpalabas ng kautusan si Aguinaldo na nagtatakda sa Hunyo 12, 1898 bilang araw ng pagpapahayag ng kalayaan.

I hope it is help for you ok

Similar questions