1. Bakit mahalaga ang wika? Sa paanong paraan ito nagiging instrument ng
mabisang pakikipagtalastasan, mabuting mabuting pakikipagkapwa, at
kapayapaan? Maglahad ng limang paraan
Answers
Answer:
Ang Wika
Ito ay isang medyum na ginagamit ng mga tao para makipag- ugnayan sa isat-isa. Ang wika ay pinagsama-samang tunog ,signo at lipon ng mga salita na nais sabihin ng mga bawat tao.
Ang mga Pilipino ay may ibat-ibang dayalekto na kung saan ito ang ginagamit nila sa kanilang pamayanan upang makipag-usap , magkaintindihan at maipadama ang damdamin sa isat-isa. Ngunit iisa lang ang Pambansang Wika at ito ang Wikang Filipino batay sa Tagalog.
Sabi nga ni Henry Gleason, nagagamit ang wika ng tao sa pakikipagtalastasan bilang isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na kung saan isinaayos sa paraang arbitraryo. Hinuhubog tayo ng ating wika upang malaman ang ibat-ibang karanasan at paniniwala na ginagamit sa lipunan. Mahalaga ang wika sapagkat ito ang nagdurugtong sa ating mga Pilipino mula Luzon, Visayas, Mindanao maging mga tao sa buong mundo.
Mga halimbawa ng Wikang Ginagamit
Balbal – ito salitang kanto na ginagamit sa pinakmababang antas.
Lingua franca o Panlalawigan –sa salitang ginagamit ng partukular na lalawigan
Pambansa – isang wikang ginagamit ng buong bansa
Pampanitikan –ito ay gamit sa panitikan katulad ng tayutay, idioma, at iba pa.
Napakahalaga ng wika sa isang bansa sapagkat ito ay isang kayamanan na hindi magagaya ng kahit anong bansa. Marami man ang mga dayuhan na nanakop sa ngunit mananatili parin ang ating wika bilang Wikang Pambansa ng mga Pilipino.