1. Mahalaga ang lupa bilang isang salik ng produksyon. Alin sa mga pangungusap ang magpapatunay sa
kahalagahan nito?
A. Pinatatayuan ito ng pagawaan, tulay at daan, mayroon ding yamang mineral, yamang tubig at yamang
gubat na makukuha.
B. Nagbibigay ito ng serbisyo o produkto sa ekonomiya ng bansa.
C. Ang kita o upa mula rito ay nagbibigay kapital sa lakas paggawa, nagbibigay trabaho sa entrepreneur at
kinokunsumo ng kapital
D. Makukuha mula rito ang interes na ginagamit para sa ating ekonomiya.
2. Ang lakas paggawa ay tinuturing na mahalagang salik ng produksyon. Paano ito mapatutunayan?
A. Nakasalalay dito ang sahod na maaring ibigay sa kapital para makabuo ng isang produkto.
B. Pinagbabasehan dito ang dami ng oras para sa upa na ibibayad sa lupa.
C. Pangunahing batayan dito ang panahon at lakas sa pagproseso para makalikha ng produkto.
D. Walang silbi kung hindi ginagawa ng entrepreneur ang kanyang tungkulin
3. Ang pagbabago-bago ng presyo ay nakaaapekto sa pagkonsumo. Kung ikaw ay isang mamimili, paano ka
makatutulong na maiwasan ang pang-aabuso sa pagtakda ng presyo sa mga produkto sa pamilihan?
A. Idulog ang mga suliraning pang-ekonomiya sa mababang korte.
B. Ipagdasal at hayaan sila na maging mayaman sa mga mata ng tao.
C. Iwasan ang paggawa ng mga produkto para sa malakihang pamilihan.
D. Isumbong ang mga abusadong namumuhunan sa Department of Trade and Industry (DTI)
4. Ang salik ng produksyon ay mahalaga sa pang araw-araw na pamumuhay. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapatunay nito?
A. Ang kita sa bawat salik ng produksiyon ay ginamit sa pagbili ng produkto o serbisyo.
B. Sa pamamagitan ng produksyon nagagawa ng tao ang pagkokonsumo.
C. Mas mahalaga ang salik ng produksyon sa salik ng pagkonsumo.
D. Ang mga salik ng produksyon ay nakatutulong sa pagbibigay tulong sa mga tao.
5. Mahalaga ang paglikha ng produkto at serbisyo sa ekonomiya. Gaano kahalaga ang mga salik ng
produksyon kaugnay sa paglikha ng produkto?
A. Nagmumula sa lupa ang hilaw na materyales, sa tao ang lakas paggawa, sa kapital ang mga makinarya
at sa entrepreneur ang abilidad na mapagsasama ang mga salik para sa produksyon.
B. Nakakakuha ng kabayaran mula sa lakas paggawa, entreprenyur, lupa at kapital
C. Nakakabuo ng limitadong produkto/serbisyo ang mga salik ng produksyon.
D. Nakakuha ng tubo sa lupa, interes sa lakas paggawa, upa sa entrepreneur at sahod sa kapitalista
6. Ang lahat ng tao ay mamimili. Paano mo malalaman kung may nakukuhang kasiyahan ang mamimili sa
pagkonsumo ng produkto at serbisyo?
A. Kung patuloy pa rin siya sa paggamit ng naturang produkto.
B. Kung inubos niya ang stock ng naturang produkto sa pamilihan.
C. Kung hindi na sya tumatangkilik sa naturang produkto o serbisyo
D. Kung nagmahalan ang presyo ng prosukto at serbisyo sa pamilihan
Answers
Answer:
1. Ang tamang sagot ay Opsyon A i.e. Pinatatayuan ito ng pagawaan, tulay at daan, mayroon ding yamang mineral, yamang tubig at yamang gubat na makukuha.
Ang lupa ay isang mahalagang mapagkukunan para sa mga aktibidad sa produksyon at isang mahalagang paunang pamumuhunan.
2. Ang tamang sagot ay Option C i.e. Pangunahing batayan dito ang panahon at lakas sa pagproseso para makalikha ng produkto.
Ang paggawa ay isang mahalagang mapagkukunan para sa produksyon na tumutukoy sa bilis ng produksyon.
3. Ang tamang sagot ay Option D i.e. Isumbong ang mga abusadong namumuhunan sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ang pag-abuso sa pagpepresyo ay mapipigilan ng mga customer sa tulong ng DTI.
4. Ang tamang sagot ay Option B i.e. Sa pamamagitan ng produksyon nagagawa ng tao ang pagkokonsumo.
Ang produksyon at pagkonsumo ay magkakaugnay na proseso at mahalaga para sa pang-araw-araw na buhay.
5. Ang tamang sagot ay Option C i.e. Nakakabuo ng limitadong produkto/serbisyo ang mga salik ng produksyon.
Tinutukoy ng mga salik ng produksyon ang bilis at limitasyon ng pagkonsumo ng mga produkto.
6. Ang tamang sagot ay Opsyon A i.e. Kung patuloy pa rin siya sa paggamit ng naturang produkto.
Kung ang isang mamimili ay nasiyahan sa isang produkto, siya ay patuloy na ubusin ito.
#SPJ3