Geography, asked by 09466916312, 1 month ago

1. mapayapang pananakop sa likod ng kunwaring malasakit
A. kolonyalismo
B. Neokolonyalismo
C.Imperyalismo
D. Merkantilismo​

Answers

Answered by elpransi555
26

Answer:

NEO-KOLONYALISMO

Explanation:

Ano Ang Neokolonyalismo? (Sagot)

NEOKOLONYALISMO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na neokolonyalismo ang kahulugan nito at mga halimbawa.

Ang neokolonyalismo ay ang impluwensyang panlipunan at pangkultura ng mga mananakop. Ito’y impluwensya na walang ginamit na military o pulitikal na kontrol para makamit.

Bukod dito, ang salitang “neo” ay nangangahulugang “makabago”. Kaya naman, kung ating titignan ang buong salita, ang “neokolonyalismo” ay ang pagsakop ng isang mas makapangyarihang bansa sa isang bansa na mahina at inabuso ito sa ekonomikal na paraan.

Ano Ang Neokolonyalismo? Kahulugan At Halimbawa Nito

Ito ay ating matatawag na makabagong paraan ng pananakop sa isang mapayapang pamamaraan. Kadalasan, hindi mo na mamamalayan na ang isang lugar ay nasakop na dahil walang dalang pwersa at dahas sa pananakop.

Ang isa sa mga pangunahing layunin ng neokolonyalismo ay ang pagsakop ng mga mahihirap na bansa at kontrolin ito. Isa sa mga paraan na ginagawa ito ay ang pagpapautang ng pera sa bansang mahirap. Pero, dahil masyadong mahirap ang bansa, hindi na nila mababayaran ang perang ito.

Kaya naman, napipilitan silang gawin ang kagustuhan ng bansang nagpapautang sa kanilang. Maaari itong gawin sa paraan ng pagbigay ng malaking pabor o pagbigay ng mahalagang parte ng natural na yaman.

Answered by sanket2612
0

Answer:

Ang tamang sagot ay Opsyon B i.e. Neokolonyalismo.

Explanation:

neokolonyalismo, ang kontrol sa mga hindi gaanong maunlad na bansa ng mga mauunlad na bansa sa pamamagitan ng hindi direktang paraan.

Ang terminong neokolonyalismo ay unang ginamit pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang tumukoy sa patuloy na pag-asa ng mga dating kolonya sa mga dayuhang bansa, ngunit ang kahulugan nito ay lumawak sa lalong madaling panahon upang magamit, sa pangkalahatan, sa mga lugar kung saan ang kapangyarihan ng mga mauunlad na bansa ay ginamit upang makabuo ng mala-kolonyal.

Pagsasamantala—halimbawa, sa Latin America, kung saan natapos ang direktang dayuhang pamamahala noong unang bahagi ng ika-19 na siglo.

Ang neokolonyalismo ay malawak na nauunawaan bilang isang karagdagang pag-unlad ng kapitalismo na nagbibigay-daan sa mga kapitalistang kapangyarihan (parehong mga bansa at mga korporasyon) na dominahin ang mga sakop na bansa sa pamamagitan ng mga operasyon ng internasyonal na kapitalismo sa halip na sa pamamagitan ng direktang paghahari.

#SPJ3

Similar questions