Hindi, asked by juvycapillasjc, 18 days ago

2. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang pambansa
A. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.
B. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.
C. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.
D. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang gamiting wika.
Bakit si manuel quezon​

Answers

Answered by arnavarya666
30

Explanation:

the process by which green plants turn carbon dioxide and water into food using energy from sunlight

Answered by MISSQUEEN123
43

Answer:

Ang rason kung bakit tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa si Manuel Luis Quezon ay dahil siya ang nagsulong ng pagkakaroon ng isang pambansang wika para sa buong Pilipinas. Kung matatandaan, si Manuel Quezon ay ang pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya rin ay kilala bilang pangulo na namahala sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ng ating bansa.

Manuel Luis Quezon bilang Ama ng Wikang Pambansa

Bago nagkaroon ng pambansang wika ang Pilipinas, ang mga Pilipino mula sa iba't ibang probinsya ay may kanya-kanyang wika. Nalilimit ang pagkakaintindihan ng mga mamamayan dahil pagkakaiba ng mga wika.

Bunga nito, naisip ni Manuel Quezon na isulong ang pagkakaroon ng isang pambansang wika upang mas magkaroon ng pagkakaintindihan ang lahat ng mga Pilipino. Ito ang rason kung bakit tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa si Manuel Quezon.

Sa ilalim ni Manuel Quezon, nagtayo ng Surian ng Wikang Pambansa. Ito ay may layunin na gumawa ng pambansang wika para sa mga Pilipino. Inirekomenda ng Surian ng Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog. Noong Disyembre 1939, idineklara ni Manuel Quezon ang Wikang Tagalog bilang Pambansang Wika ng Pilipinas. Kalaunan, ang opisyal na pambansang wika ng Pilipinas ay naging Wikang Filipino.

Iniutos din ni Manuel Quezon noong Hunyo 1940 na ituro ito sa isang asignatura o subject sa mga paaralan sa buong bansa.

Tatlong Karagdagang Detalye o Trivia tungkol kay Manuel Quezon

Si Manuel Quezon ay tubong Baler sa Tayabas, Quezon.

Siya ay ipinanganak noong Agosto 19, 1877, ngunit iba ang opisyal na kaarawan ni Manuel Quezon. Ang opisyal nyang kaarawan ay Agosto 19, 1878.

Nanalo bilang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt si Manuel Quezon noong 1935. Natalo niya sina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay.

Iyan ang mga rason kung bakit tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa si Manuel Quezon. Narito pa ang ibang links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol kay Manuel Luis Quezon:

Maikling talambuhay ni Manuel L. Quezon: brainly.ph/question/37473

Sino nga ba si Manuel Quezon? brainly.ph/question/439974

Ano ang mga naiambag ni Manuel Quezon sa bansa?

Similar questions