2. Nangangasiwa sa kapakanang pangkalusugan
ng mga mamamayan
analo sa kanakanan ng mga manggaga
Answers
Answer:
Isang makasaysayang pagtitipon ng mga bansa ang ginanap noong ika-12 ng
Setyembre 1978 sa Alma Ata, Russia. Isandaan at tatlumput apat na mga pinuno ng
bawat bansa at sa pakikiisa ng WHO at UNICEF and nagkaisa sa adhikaing “Kalusugan
Para sa Lahat sa Taong 2000”. Ang Primary Health Care (PHC) o Batayang
Pangangalagang Pangkalusugan and siyang idineklarang pinakamabisang pagkilos upang
ang tunguhing ito ay makamit.
Subalit ang makabuluhang adhikain na ito ay nanatiling isang panaginip. Ito ay di
natupad. Ang pangkalusugang kalagayan ng mga mamamayan, higit lalo na ang mga
mahihirap na bansa ay di nagbago, bagkus ay tumindi ang kalunos-lunos nilang
kalagayan. Sa kasalukuyan ay dumaranas ang mahihirap na bansa ng Pandaigdigang
Krisis Pangkalusugan. Bukod sa dati ng problema, maraming makabagong mga banta sa
kalusugan ang lumitaw kaakibat ng paglitaw ng Globalisasyon. Ang Globalisasyon ay
siyang matinding sagka sa pagkakaroon ng pantay na bahaginan ng kayaman ng mundo
at kapangyarihan para sa mga mamamayan. Direktang pasakit and dulot nito sa
kalusugan ng mga mahihirap
Ang pagkabigo upang isakatuparan and prinsipyo ng Primary Health Care na
nauna ng pinagkaisahan noong 1978 ay lalo pang nagpalala sa krisis pangkalusugan. Ang
mga pamahalaan at mga pandaigdigang institusyon pangkalusugan ang may pangunahing
pananagutan nito.
Isang napakahalagang pangyayari na muling buhayin at pasiglahin ang
pagkakaisa ng mga mamamayan sa buong daigdig upang isakatuparan ang adhikaing
pangkaunlaran at pangkalusugan. Ang pagpapalakas ng tunay na pagkilos at pagkakaisa
ng mga mamamyan ang sentrong susi sa pagkakamit ng Kalusugan Para sa Lahat. Sa
gayon ang panaginip sa Alma Ata noong 1978 ay matatamo.
Marami ng mga grupo, samahang pangkalusugan, pribadong institusyon, mga
kilusan sa hanay na kababaihan at manggagawa sa buong daigdig and nagkaisa na
kumilos upang ang layuning ito ay matupad. Ang mga samahang ito at kasama ng mga
mamamayan sa kanilang pamayanan ang tunay na nagtataguyod ng Primary Health Care
at pangkaunlarang tunguhin para kalusugan ng lahat.Ito ang masikhay na nag-organisa
ng tinaguriang People’s Health Assembly (Pagkakaisa ng Mamamayan Para sa
Kalusugan) na ginanap noong ika-4-8 ng Disyembre, 2000 sa Bakuran ng Gonoshasthaya
Kendra or GK Health Center, Savar Bangladesh.