Hindi, asked by roseannarceo, 1 year ago

3 example ng kantang diona

Answers

Answered by NiketChaurasiya
12
Isa ang diona sa mga katutubong anyo ng tula na una kong nasagap sa isang palihan sa pagtula noong nasa hayskul pa lang ako. Mayroon na nito bago pa tayo sakupin ng mga Kastila. Nabanggit pa nga ito bilang isa sa mga auit (“awit”) sa Vocabulario de la lengua tagala nina Juan Jose de Noceda at Pedro de Sanlucar (1974).

*           *           *

Awit ang tawag sa mga katutubong tula dahil noong unang panahon ay inaawit ang pagbigkas sa mga ito. Hindi naman ito nakapagtataka dahil may mga ganitong anyo rin ng tula sa ibang bansa na inaawit pa rin hanggang ngayon.

Walang tala tungkol sa diona sa database/registry na Unang 800 Sagisag Kultura ng Filipinas na inilabas ng Filipinas Institute of Translation at National Commission for Culture and the Arts. Hindi ito kasama sa 800 priority icons ng bansa para sa dalawang ahensiya. Gayunman, ilang pakontes na sa paggawa ng diona na may kung ano-anong tema ang nailunsad sa loob ng dalawang dekada.

*           *           *

Hindi na rin ito nakapagtataka dahil diumano dalit at talindaw ang pinakapopular na mga anyo ng tulang Tagalog noong panahong sakupin tayo ng mga Kastila.

Ang alam ko, awit sa kasal ang diona. May impression nga ako noon na may limang pantig (syllables) at tatlong taludtod (lines) ang diona. Karaniwan kasing pipituhin ang pantigan ng mga katutubong tula. May nagsabing awit sa panliligaw ang diona. May ibang nagsabing inaawit ito sa loob ng bahay.

Sa kasalukuyan, tinatanggap ang diona bilang isang tulang may pitong pantig at tatlong taludtod. Iisa ang tugmaan nito (pero may mga makabagong diona na hindi na rin ito sinusunod). At, tulad ng nabanggit ko, sari-sari na ang tema.

*           *           *

Dahil isa itong tulang may tatlong linya, binansagan itong Pinoy haiku. Pero nitong nakaraang linggo, nagkaroon ito ng bagong bihis at pakay.

*           *           *

“At 5pm today, Karapatan received reports that two-day old Diona Andrea Rosal, newborn baby girl of detained Andrea Rosal, passed away at the Neonatal Intensive Care Unit of the Philippine General Hospital. Since her birth, she was on artificial respirator and experienced seizures.”

—breaking news ng Karapatan (Mayo 18, 2014)

*           *           *

Ang diona ay hindi na lang isang anyo ng tula kundi sagisag ng pandarahas ng militar at ng pasistang rehimeng Aquino. Kung matatandaan, tulad ng pagkakadakip sa mag-asawang Tiamzon at iba pa, regalo ang pagkakadakip ng pitong buwang buntis na si Andrea Rosal sa pagdating ni Obama sa Pinas.

*           *           *

“Tingkad ng puting bulaklak
sa dibdib ng dalisdis.
Alab ang halimuyak.”
— Rosal, Ed Romano Labao

*           *           *

Similar questions