A. Bilugan ang mga pang-uri sa loob ng pangungusap at lagyan ng guhit ang salitang inilalarawan
nito.
1. Masasabing mapalad ang Pilipinas dahil sa mga likas na yaman nito.
2. Sa lupa man o sa tubig ay makikita ang napakagandang lugar nito.
3. Ang ating bansa ay tinatahanan ng mga pinakamalaking isda sa daigdig.
4. Dito rin matatagpuan ang pinakamaliit na isda sa buong mundo.
5. Dinarayo tayo maging ng mga bansang Europeo upang makita ang ating yaman.
6. Hinahangaan nila ang ating mapuputing buhangin sa Boracay.
7. Ang Palawan ay patuloy na dinarayo dahil sa ilog na nasa ilalim ng lupa.
8. Nakikilala na rin ang iba pang lugar dahil sa kakaibang mga atraksiyon dito.
9. Sa Boracay ay maaari mo nang maranasan ang maglakad sa ilalim ng dagat at makita ang
makukulay na isda na naninirahan sa bahura.
10. Ang Dagat Sulu ay dapat nating pangalagaan upang patuloy na mabuhay ang mga isda.
Answers
Answered by
0
Ano sagot para sa assignment
Similar questions