A. paano mabago ang tao sa katauhan at desisyon sa kanyang sariling kakayahan?
B. Sa iyong sariling pananaw gaano nakakaapekto ang Droga sa buhay ng isang tao batay sa pananaw, desisyon, at buong pagkatao sa buhay ng isang tao?
Answers
Answer:
Hey
Explanation:
Nakapagdudulot ang bawal na gamot ng pansamantalang ginhawa at pag-inam ng pakiramdam sa tao dahil sa epekto ng gamot na ito sa panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan. Ngunit nasusundan ang kaginhawahang ito o pakiramdaman ng ganting-kilos o tugon o reaksiyon mula sa sistema ng nerbiyos, na kinabibilangan ng pagkalungkot o depresyon, o kawalan ng kaginhawahan at hindi mapakali. Dahil sa reaksiyong ito, nabubuo o nahuhubog ang patuloy na paggamit ng bawal na gamot na nagiging isa nang siklo o pag-uulit at panay na paggamit.[1]
Sa kalaunan, naaapektuhan ang sistemang panunaw ng tao, ang kaniyang pagtulog, nagkakaroon ng pagka-iritable ng sistemang nerbiyos o pagkabugnutin. Humahantong rin sa pagkabaliw o pagkasira ng isipan at utak ang adiksiyon sa gamot. Namamatay rin ang tao dahil sa pagkalason sa gamot, o dahil sa pagkitil niya ng sariling buhay.[1]
Magkakaiba ang mga epekto ng pinagbabawal na gamot sa iba’t ibang mga tao. Kabilang sa mga batayan ng antas ng pagkakaapekto sa katawan at isipan ng tao ang kundisyon ng kanyang katawan, kasama na ang laki, timbang, kalusugan, katauhan, huling oras o panahon ng pagkain, mga inaasahan niya sa gamot na ininom, pati na ang dating karanasan sa paggamit ng masamang gamot.[2]
Kasama pa ring batayan ng epekto sa tao ang mismong mga katangian ng ininom o ginamit na gamot. Kabilang dito ang dami ng gamot, ang katapangan ng timpla ng gamot, ang paraan ng paggamit – maaaring hinithit, ininom, o kaya inindyiksyon o itinurok sa balat – , at pati ang pagsasabayan o pagtatambalan ng mga ginamit na bawal na gamot.[2]
Nakakaapekto rin sa tao ang sarili niyang kapaligiran. Kabilang dito ang pagiging nag-iisa ng tao, ang pagkakaroon niya ng mga kaibigan kasama at mapagkakatiwalaan, at kalagayan niya sa kaniyang lipunan at tahanan.[2]