History, asked by sriharsha2220, 5 months ago

Among kahulugan Ng konotatibong kahulugan Ng kaluwagan-palad

Answers

Answered by ALTHEA025
3

Answer:

Ang kahulugan ng kaluwagang-palad ay matulungin o may mabuting kalooban na handang tumulong sa kanyang kapuwa.

Sa kabila ng hirap na nararanasan natin ngayon sa ating bansa ay mayroon parin namang mga taong may kaluwagang – palad na tumutulong sa ating mga kababayan,mga taong may mabubuting puso na hindi nakakalimot na magbigay sa kanilang kapuwa,mga taong nararamdaman ang hirap ng ibang tao na walang masasandalan,mga taong kapus na kapos sa lahat ng bagay. Mabuti na lamang at may mga tao pang handang tumulong sa kanila.

Ang kaluwagang -palad ay isang halimbawa ng matalinhagang salita.

Idyoma o matalinhagang mga salita ay mga salita na ang tunay na kahulugan ay nakatago sa likod ng mga salita.Ang mga manunulat ay gumagamit ng matatalinhagang salita sapagkat ginagawa ng idyoma na maging kaaya aya ang isang babasahin sa mga mambabasa.

Mga halimbawa ng mga matalinhagang pananalita:

Putok sa buho- anak sa labas

Itaga mo sa bato- itanim sa isip.

Bahag ang buntot- duwag

Itim na tupa- nangangahulgan ng suwail na anak

Tubong lugaw- malaking pera na nakuha sa isang maliit na puhunan

Mang-oonse – mandaraya

May bulsa sa balat – nangangahulugan ng pagiging kuripot

Butas na ang bulsa – wala ng pera

Kapilas ng buhay – asawa,kabiyak

Balat kalabaw – matigas,makunat

Explanation:

Similar questions