World Languages, asked by Mirin3225, 7 months ago

ANG ANO IBIG SABIHIN NG ANG MANIWALA SA SABI SABI AY WALANG BAIT SA SARILI

Answers

Answered by ljkenreyveloso
31

Answer:

Ang maniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. (Those who believe in what others say have no confidence in themselves)

Bata,

Nabubuhay tayo sa panahon ng sabi-sabi--mga bagay na walang matibay na katotohanan o mga bagay na kathang isip lamang ng mga walang ibang magawa sa buhay.  Kung hindi man kulang ang impormasyon, ito naman ay sobra.  Alang sa kabutihan ng madla, huwag magpadalos-dalos sa pagpasiya na batay lamang sa sabi-sabi ng iba.  Maging mapaglimi at mapanuri sa mga payo at sa mga sinasabi ng ibang tao.  Esep esep muna tayo bago maniwala sa mga kuwento dahil alam mo na, maraming namatay sa maling akala.  Magtiwala sa kakayahan mong maghusga kung ano ang totoo at ano ang kasinungalingan.

Explanation:

" Fools believe every word they hear, but wise people think carefully about everything." - Proverbs 14:15

Answered by diapolet136450170160
4

Answer:

"Ang maniniwala sa sabi sabi, walang bait sa sarili "

"Those who easily believe in gossips are not in their right minds. "

Ang ibig sabihin nito ay wala sa sariling katinuan ang sinumang naniniwala sa mga sabi sabi. Hindi niya ginagamit ang sariling utak at nadidiktahan na lamang ng kung anu-anong naririnig. Kadalasan sa kanila ay

Madaling makahanap ng away. Ito ay sa kadahilanang naniniwala kaagad sila sa balitang napapakinggan kahit pa hindti totoo.

Halimbawa, si Rosa ay isang taong kaagad naniniwala sa sinasabi ng iba. Kung isang araw, may magsabi sa kanya na ang kanyang katabi sa klase ay sinisiraan siya sa guro, may posibilidad na awayin niya kaagad ang kanyang kaklase. Kapag lumabas na hindi totoo ang kanyang bintang, maaaring mapahamak si Rosa. Magkakaroon siya ng kaaway at pwedeng mapakulong sa bayolenteng reaksiyon. Ipinapakita nito na walang bait sa sarili si Rosa at sunod-sunuran lamang sa kanyang naririnig mula sa iba.

ANO ANG DAPAT GAWIN SA MGA BALITANG NAPAPAKINGGAN?

Huminahon. Huwag kaagad magalit kapag may narinig na masamang balita o salita laban sa’yo. Isiping mabuti ang hakbang na gagawin kung hindi mo ba ito ikapapahamak sa huli.

Suriin. Alamin kung ang balitang napakinggan ay may katotohanan. Magtanong sa mga taong mapagkakatiwalaan o kaya ay mahinahong tanungin ang sangkot upang malaman kung tunay o hindi ang balitang nakarating sa’yo.

Maging matalino sa pagpapasya. Kung sakaling ang nakarating na balita o salita sa iyo ay totoo, pagtimbanging mabuti ang mga konsikwensiya sa gagawing hakbang. Huwag basta makinig sa dikta ng iba. Isipin kung nakakabuti ba ang iyong pagtugon  bago magdesisyon. Ipagdasal na ang iyong magiging pasya ang siyang tama para sa lahat.

Ang nasa taas ay isang uri ng sawikan.

Ang

SAWIKAIN

Ay

Mga salitang nagbibigay pangaral gamit ang matalinghagang mga salita na may tinatagong kahulugan

Explanation:

Similar questions