History, asked by niku7324, 7 months ago

Ang kakapusan o scarity ay maaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas yamang tao at yamang kapital bakit nag kakaroon ng kakapusan

Answers

Answered by priyaagari650
18

Answer:

Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang yaman at walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao kagaya ng kakapusan sa supply ng nickel, chromite, natural gas, at iba pang non-renewable resources dahilan sa likas na kalagayan ng mga ito. Ang kakapusan sa mga nabanggit na halimbawa ay itinakda ng kalikasan. Ang kondisyong ito ay nagtakda ng limitasyon sa lahat at nagging isang pangunahing suliraning pang – ekonomiya.

Ang kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto kagaya ng kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahil sa bagyo, peste, El Nino, at iba pang kalamidad. Upang malunasan ang kakulangan sa bigas, ang pamahalaan ay maaaring umangkat ng bigas sa ibang bansa. Inaasahan na babalik sa normal ang supply ng bigas sa sandaling bumuti ang panahon at magkaroon ng saganang ani ng palay. Ang kakulangan ay pansamantala sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyunan ito.

Similar questions