History, asked by Ejhays, 7 months ago

Ang panahon Kung saan may pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng katauhan

Answers

Answered by Bababababananabababa
6

Ang Paleolitiko ay ang panahon kung saan makikita/nakikita ang pagbabagong-anyo ng tao. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Ang mga tao sa Paleolitiko ay mga nomadiko, o walang permanenteng tirahan. Hinahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi: Mababa, Gitna at Itaas. Ang Panahon ng Mababang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbabago ng anyo ng tao. Dito nakita ang isa sa mga pinakamahalagang yugto ng tao na tawag ay Australopithecine. Sinasabi ang nahukay na si Lucy ay isang Australopithecine. Ang Panahon ng Gitnang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagkontrol ng mga Hominid sa kanilang kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula maihayag ng mga tao ng artistikong mga abilidad. Gumuguhit sila sa mga bato at pinipinta nila ang kanilang mga katawan. Ang Panahon ng Itaas na Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbuo ng kalinangan ng mga tao. Sa panahon ring ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Sa panahong ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.

Similar questions