ano ang gagawin mo kung gusyo mo mapaunlad ang iyong pananampalataya
Answers
Answer:
Paano ko mapapaunlad ang pananampalataya at espiritwalidad?
Pagsasabuhay at pagsunod sa mga utos ng Poong Maykapal.
Pag-iwas sa paggawa ng mga kasalanan.
Masusing pagpapasiya at pagdedesisyon bago gumawa ng aksyon, iniisip ko muna kung ito ay makabubuti o makakasama.
Isaisip at isapuso ang mga utos niya sa pamamagitan ng hindi pagsuway at pag-iwas sa mga tukso.
Pagsisimba tuwing araw ng Linggo at pista ng pangilin.
Pagdarasal araw-araw na iiwas sa paggawa ng masama at iiwas sa anumang tukso.
Paghingi ng tulong at gabay sa paggawa ng kabutihan sa kapuwa.
Paghingi ng tawad o kapatawarann sa mga nagagawang kasalanan.
Ang pagsunod sa sampung (10) utos ng Panginoon.
Espiritwalidad
Ang espiritwalidad ay ang malalim na pagpapakahulugan sa buhay at paniniwala ng isang tao na may kinalaman sa Diyos, maaring ito ay may kinalaman sa relihiyon na pinaniniwalaan at sa kanyang malalim na pananaw sa ispiritwal na buhay.
Ang espiritwalidad ay makatutulong sa pagpapaunlad ng pananampalataya ng isang tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling relihiyon base sa kanyang mga pinaniniwalaan, Ang pagkakaroon ng mahusay na ispiritwal na pamumuhay ay nagdadala sa isang tao upang gumawa ng kabutihan sa kapwa, iniiwas nito ang isang tao sa mga kasalanan at masamang gawain.
Ang pagkakaroon ng malakas na paniniwala dala ng espiritwalidad ay gumagabay sa isang tao upang makapamuhay ng masaya at payapa, ng may kinatatakutan na Diyos, dahil kapag ang isang tao ay may takot sa Diyos, takot siya sa anumang kaparusahan na maidudulot ng masasamang gawain at tanging sinasamba niya lang ay kabutihan.
Kahalagahan ng Pananampalataya sa Diyos
Siya ang palaging andiyan para sa atin, sa lahat ng pagkakataon, patuloy na gumagabay upang tayo ay mapabuti at mapaayos ang kalagayan.
Walang imposible kung palagi mong kasama ang Diyos at palaging isasabuhay ang kanyang mga utos, lahat magiging posible basta magtiwala ka lang sa kanyang mga plano.
Wala kang mararamdaman na sakit at poot dahil pinapagaan niya ang kalooban ng mga taong naniniwala nananampalataya sa kanya, na sa kahit anong pagsubok, problema at hamon ang dumating sa iyong buhay, palaging may solusyon.
Ito ang nagiging daan upang magkaroon tayo ng malakas na ugnayan at matibay na komunikasyon sa ating Panginoon.
Nalalaman at nabibigyan natin ng halaga ang kaniyang mga banal na utos at salita.
Ang pagkakaroon din ng matibay na pananalig sa ating Diyos ang siyang magsisilbing instrumento upang tayo ay maging isang
Natututunan ang mga magagandang gawain para sa ating sarili at maging sa ating kapwa.
Ang Diyos ang nagtatakda ng lahat ng mangyayari, dahil mas alam niya ang makabubuti para sa ating lahat, siya lang ang nakakaalam sa mga pwedeng mangyayari sa atin sa hinaharap.
Kaya habang maagap pa, palaging magbalik loob sa Diyos, ibigay ang buong pusong pagmamahal at pagtitiwala sa kanya, sundin natin ang kanyang mga utos at salita dahil ang pagkakaroon ng pananampalataya sa kanya ang magiging daan upang makagawa tayo ng kabutihan sa ating kapwa.
Step-by-step explanation:
hope it's helpful to you!