History, asked by yaseen5933, 20 days ago

ano ang gamit ng wikang filipino sa lipunang filipino

Answers

Answered by lilstrongarm346
0

Answer:

1. Instrumental

-tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba.Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot, at    pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito

2. Regulatoryo

-pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto ng ulam,direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba

3. Interaksiyonal

-ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;pakikipagbiruan; pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa.

4. Personal

-ang pagpapahayag ng sariling pinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

5. Heuristiko

- ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Halimbawa rito ay ang pag-iinterbyu, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng pahayagan,blog at aklat.

6. Impormatibo

- ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, tesis,panayam, at pagtuturo.

Explanation:

tama ba?

Similar questions