Ano ang ginawa ng mga Igorot noong 1601 please help me brainlyest po unang sumagot
Answers
Answer:
lods pa brainliest ah
Explanation:
Ang Pag-aalsa ng mga Igorot ay isang pag-aalsang pangrelihiyon noong 1601 laban sa tangka ng mga Espanyol na gawing Kristiyano ang mga Igorot ng Hilagang Luzon sa Pilipinas.
Ipinadala ni Governor-General Francisco de Tello de Guzmán si Lt. Mateo de Aranda kasama ang mga hukbong Pilipino at Amerikano.
Desidido ang mga Espanyol na binyagan at gawing Kristiyano ang mga Igorot. Naglunsad sila ng isang krusada para kumbinsihin ang mga katutubo ng Hilagang Luzon at isailalim sila sa pamumuno ng Espanya.
Noong Nobyembre 1601, ipinadala si Fray Esteban Marin, ang prayle ng Laoag, Batac at Bantay, para payapain ang mga nasa kabundukan ng silangang bahagi ng Pampanga. Namatay siya dahil dito.
Matapos ito, isang ekspedisyon sa pamumuno ni Lt. Aranda ang ipinadala para pigilan ang pag-aalsa ng mga Igorot na patuloy na tumututol sa pananakop ng mga Espanyol. Tinambangan ng nasa 3,000 mga mandirigma ang nasabing hukbo. Naubos ang mga hukbong Espanyol at napilitan silang umatras sa laban.
Nabigo ang mga Espanyol na sakupin ang mga Zambal, Tinguian at Igorot, at dahil dito, hinikayat nila ang mga Filipino sa Pampanga at Pangasinan na labanan ang mga Igorot at gawing alipin ang sinumang kanilang mahuhuli.