Business Studies, asked by afreenb2756, 6 months ago

Ano ang mensahe sa akdang Cupid at Psyche

Answers

Answered by lipismitadas2
10

Answer:

Answer Expert Verified

4.6/5

702

argruelos

Ambitious

77 answers

147.8K people helped

Ang mensahe ng kwento ni Cupid at Psyche sa pamilya, sarili, lipunan, at pamayanan ay tungkol sa pagtanggap, pagmamahal ng walang kapalit, at ang pag-iwas sa pagiging hambog. Ang kwento ni Cupid at Psyche ay isa lamang sa mga kwentong tungkol sa pag-ibig sa Greek Mythology. Si Cupid ay anak ni Aphrodite, ang Goddess of Love, at ni Ares, ang God of War. Samantalang si Psyche naman ay isang napakagandang babae sa lupa. Ito pa ang ilan sa mga mensahe ng kanilang kwento:

Sa Pamilya

Sa kwento ni Cupid at Psyche, malalaman natin na ang mga kapatid ni Psyche ay nainggit sa kanya dahil sa karangyaan at kayamanan ng kanyang napang-asawa. Dahil dito, sinabihan nila si Psyche na mag-ingat sa kanyang asawa at hindi tama na bawal makita ni Psyche ang mukha ni Cupid. Sinabi pa nila na baka halimaw ang asawa niya at mabuting patayin niya ito habang siya'y tulog. Nangamba at natakot si Psyche sa sinabi ng kanyang mga kapatid.

Ang mensahe nito ay iwasan na mainggit sa magandang kapalaran ng iba, lalo't sa ating kapamilya. Mas mabuti ay maging masaya tayo sa tagumpay ng iba kaysa magpasakop sa inggit.

Kung nais mo pang alamin kung bakit kinailangan itago ni Cupid ang kanyang itsura at totoong pagkatao kay Psyche, i-click mo lamang ang link na ito brainly.ph/question/124028

Maari mo pang malaman kung ano ang kahinaan ni Cupid sa link na ito brainly.ph/question/127096

Sa Sarili

Dahil sa hindi pagtitiwala ni Psyche, nilayuan siya ni Cupid. Ngunit dahil sa pagmamahal niya, lumapit siya kay Aphrodite upang makausap ito muli. Binigyan siya ni Aphrodite ng iba't ibang imposibleng gawain upang ito ay sumuko. At dahil na rin sa inggit ni Aphrodite sa kagandahan ni Psyche, nais niya rin itong mahirapan sa mga gawaing ibinigay niya rito. Ngunit dahil sa lalim ng pagmamahal ni Psyche, ginawa niya pa rin ang lahat upang makita muli si Cupid.

Ang mensahe nito ay dapat na maging determinado tayo sa ating mga gusto sa buhay. At matuto din tayong umako ng ating mga pagkakamali.

Sa Lipunan at Pamayanan

Dahil sa inggit at hindi pagtatanggap ng pagkakaiba, nagkaroon ng mga problema sa kwento ni Psyche at Cupid.

Ang mensahe nito ay dapat na matuto tayong tanggapin na may mas magaling pa sa'tin sa kahit anong aspeto. Pero hindi natin ito dapat isipin na masama. Dapat na isipin natin na kahit na may mas magaling sa lipunan at pamayanan, gawin natin itong dahilan na pagsikapan pa at tulungan ang isa't isa na makamit ang nais katulad na lamang ng pagtulong ng mga iba pang diyos kay Psyche.

Ito pa ang mga ilang tauhan sa kwento ni Cupid at Psyche:

Aphrodite - Goddess of Love

Apollo - God of Music

Zephyr - God of West Wind

Demeter - Goddess of Harvest

Zeus - God of Sky

Persephone - Queen of the Underworld

Mga kapatid ni Psyche

Ama ni Psyche

Kung nais mo pang makahanap ng iba pang impormasyon sa kwento ni Cupid at Psyche, i-click mo lamang ang link na ito brainly.ph/question/125984

kason11wd and 945 more users found this answer helpful

THANKS

702

4.6

(243 votes)

Log in to add comment

Still have questions?

FIND MORE ANSWERS

ASK YOUR QUESTION

New questions in Filipino

A 2B. 14junket ::: junk: trashA. trounceB. trippoetry : rhyme :: philosophy:C. refuseD. trinket

PAGPIPILI: Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panloob na anyo ng tauh …

pahelp guys tulungan nyuko:-)

ano ang mga bagay na may kaugnayan sa salitang "ateista"

gawain 1 panuto: Isulat ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap.

pa help guys ang hirap kase

M.Sa nagaganap na pandemya at kalamidad ngayon sa bansasa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 at ipaliwanag kung paano ito mabig …

Bakit ayaw makipagkaibigan ni Macario Sakay sa pamahalaan ng America?A. Dahil pilipino siyaB. Gusto niyang makipag awayC. Gusto niyang makamit ang kal …

ito ay pumalit sa duplo at hango sa pangalan ni francisco balagtas baltazar

gamit ang pahayag na nagsasaad ng opinion sumulat ng isang artikulo na may dalawa o tatlong talata na babanggit ng pangyayari sa kasalukuyang nararana …

Previous

Next

Ask your question

About us

About us

Careers

Contact

Blog

FAQ

Terms of Use

How do I receive points?

Privacy policy

Responsible disclosure program

Brainly.ph

Get the Brainly App

Download Android App

This site is using cookies under cookie policy. You can specify conditions of storing and accessing cookies in your browser

SCAN & SOLVE IN-APP

Similar questions