History, asked by sashem, 3 months ago

ano ang mga base militar na naipatayo ng mga amerikano sa pilipinas?​

Answers

Answered by ronquilloche6
20

Answer:

Ang báse militár ay isang pasilidad na direktang pagmamay-ari at pinamamahalaan at para sa hukbong sandatahan. Naglalaman ang base militar ng mga kagamitan at tauhang militar at dito nagsasagawa ng mga pagsasanay at operasyon. Sa pangkalahatan, nagsisilbing tirahan o kampo para sa isa o higit pang pangkat ng mga sundalo ang base militar ngunit maaari rin itong gawing sentro ng mga operasyong militar dahil dito matatagpuan ang mga pinunong militar. Karaniwan sa mga base militar ay nakadepende sa mga tulong mula sa labas upang maisagawa ang mga operasyon nitó. Sa kabilang banda, mayroon namang malalaking pasilidad na may sapat nang pagkain, tubig, at kagamitan upang makatagal habang nakikipaglaban.

 

Ang 1947 Military Bases Agreement ay nagbigay ng kapangyarihan sa Estados Unidos na humawak ng mga lupain upang gawing base militar sa Filipinas sa kabila ng pagbibigay ng kasarinlan sa Filipinas. Kabilang sa itinatag na mga base sa bansa ang Clark Field Air Base (Pampanga), Fort Stotsenburg (Pampanga), Mariveles Military Reservation, POL Terminal and Training Area (Bataan), Camp John Hay Leave and Recreation Center (Baguio), United States Armed Forces Cemetery No. 2 (Rizal), Angeles General Depot (Pampanga), Leyte-Samar Naval Base, Subic Bay (Olongapo), Tawi-Tawi Naval Anchorage (Sulu), Caiacao-Sangley Point Navel Base (Cavite), Bagobantay Transmitter Area (Lungsod Quezon), Taumpi- tao Point (Palawan), Talampulan Island, Coast Guard No 354 (Palawan), Naule Point (Zambales), at Castillejos, Coast Guard No 356 (Zambales). May karapatan din ang Estados Unidos sa mga baseng Mactan Island Army and Navy Air Base (Cebu), Florida Blanca Base (Pampanga), Camp Wallace (La Union), Puerto Princesa Army and Naby Air Base (Palawan), Tawi-Tawu Naval Base (Sulu), at Appari Naval Air Base. Ang kasunduang ay may bisà sa loob ng 99 taon at maaaring dugtungan batay sa mapagkakasunduan ng Filipinas at Amerika. Nagkaroon ito ng pagbabago noong 1966 na ginawang 25 taon na lamang ang bisà at noong 1979 na inililipat sa Filipinas ang kapangyarihan sa mga base. Ibinasura naman ng Senado ng Filipinas ang balak na dagdagan ang taon ng pananatíli ng mga base ng Estados Unidos noong 16 Setyembre 1991

Explanation:

hope it's help's you!

Similar questions