Science, asked by erickeusebio56, 5 months ago

ano ang naging bunga ng pagpapatibay ng saligang batas ng malolos ​

Answers

Answered by zyriljohan2010
4

Answer:

Ang pinakamahalagang nagawa ng Kongreso ng Malolos ay ang pag hahanda ng isang Saligang Batas. Ang Saligang Batas ng Malolos ay nagtadhana ng isang pamahalaang demokratiko. Ang Saligang Batas ng Malolos ang itinuturing na kauna-unahang demokratikong konstitusyonng na nagawa sa buong Asya. Itinatag ng Konstitusyon ang isang malayang Republika ng Pilipinas. Pinasinayaan ang unang Republika ng Pilipinas noong Enero 23, 1899 at si Heneral aguinaldo ang nahalal na unang pangulo nito.

Ang itinatag na Republika ng Pilipinas ay binuo ng tatlong sangay: ang tagapagpaganap o ehekutibo, tagapagbatas o lehislatibo, at hudikatura. Magkahiwalay ang kapangyarihan ng mga ito. Pinaghiwalay rin nito ang tungkulin ng simbahan sa tungkulin ng estado. Ang mga karapatan ng tao at ang kapangyarihan at tungkulin ng mga opisyal ng pamahalaan ay nakasulat din dito. May kalayaan ang mga mamamayan sa pagpili ng kanilang relihiyon. Ang kapangyarihan sa paggawa ng batas ay nakaatang sa Asemblea at ang kasapi nito ay inihalal ng mga tao. Ang pangulo ang tumatayong tagapagpaganap kasama ang pitong kalihim. Ang mga kalihim ay hinirang ng Pangulo at ang mga ito ay mananagot sa Kongreso.

Explanation:

pa brainliest po

Answered by madeducators1
4

resulta ng pagpapatibay ng konstitusyon ng malolos:

Paliwanag:

  • Ang konstitusyon ay ang partikular na ibinigay para sa pangunahing mga pananggalang laban sa mga pang-aabuso, at din ang enumerated na pambansa at masasabi nating ang mga indibidwal na karapatan ay hindi lamang ng mga Pilipino at dayuhan. Ang mga kapangyarihang pambatas ay ang ginamit ng Asembleya ng mga pangunahing Kinatawan na binubuo ng mga delegado ng pangunahing inihalal ayon sa batas.
  • Ang mga kapangyarihang pambatas ay ginamit ng Asembleya ng mga Kinatawan na binubuo ng mga delegado na inihalal ayon sa batas.
  • (1914). lipunan sa kanilang mga institusyong pampulitika.
  • Dahil sa proyekto ng Kongreso, mahalaga ang Saligang Batas ng Malolos hindi lamang dahil nagbigay ito ng lehitimo sa Rebolusyonaryong Gobyerno, kundi dahil din sa paraan kung saan hinahangad na maging lehitimo ang pamahalaang iyon.
Similar questions