Ano ang pamilihan? Mahalaga ba ang pamilihan sa isang ekonomiya? ipaliwanag.
Answers
Answered by
41
Answer:
Ang pamilihan ay mahalagang lugar para sa konsyumer at prodyuser. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakukuha at nabibili ng konsyumer ang kanyang mga pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyo na nagmumula sa prodyuser. Dito din tinatakda kung anong produkto o serbisyo ang gagawin at kung gaano ito karami. Bawat serbisyo at produkto ay may katapat na presyo. Ang pamilihan ay may iba ibang uri. Ito ay maaaring lokal tulad ng sari-sari store; panrehiyon gaya ng pagtitinda ng abaka, tuyong isda, prutas at gulay; pambansa gaya ng pagtitinda ng bigas at pandaigdigan tulad ng online shops.
Similar questions