English, asked by Leem9215, 6 months ago

Ano ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig?

Answers

Answered by johnellafloriannlbes
0

Answer:

Mount Everest/Bundok Everest

Explanation:

it is 8,848 meters tall and also the tallest in the world.

Ito ang pinakamataas bundok sa buong mundo na umabot sa 8,848 ang taas.

Answered by nopehed21
0

Answer:

10 PINAKAMATAAS NA BUNDOK SA DAIGDIG

Answer:

Ang bundok ay isang uri ng anyong lupa at ito ay makikita sa iba't ibang panig ng daigdig. Mayroong malilit at matataas. Ang pinakamatataas na bundok sa buong daigdig ay ang mga sumusunod:

1. Mount Everest

2. Mount K2

3. Mount Kangchenjunga

4. Mount Lotse

5. Mount Makalu

6. Mount Cho Oyu

7. Mount Dhaulagiri

8. Mount Manaslu

9. Mount Nanga Parbat

10. Mount Annapurna

Explanation:

Mount Everest

Ito ay matatagpuan sa Nepal.  May taas itong 8,848 metro o halos siyam na  kilometro mula sa baba hanggang taluktok nito.  Ito ang pinakamataas na bundok sa daigdig.

Mount K2

Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Pakistan at  China.  May taas itong 8,611 metro.  Ito ang pangalawa sa Everest.

Mount Kangchenjunga

Ito ay matatagpuan sa bahaging lupain ng  Nepal at India.  May taas itong 8, 586  metro.

Mount Lhotse

Ang pang-apat sa  pinakamataas na bundok sa buong daigdig na may taas na 8,516 metro.  Matatagpuan ito sa bahagi ng Nepal at  Tibet.  Ang ilang bahagi ng bundok na ito  ay sakop ng Mount Everest.

Mount Makalu

Ito ay sa pagitan ng Nepal at  China.  May taas itong 8, 485 metro.

Mount Cho Oyu

Ito ay  makikita sa Tibet. May taas  itong 8, 201 metro at pang-anim sa buong mundo.

Mount Dhaulagiri

Ito ay matatagpuan sa Nepal.  May taas itong 8, 167 metro.

Mount Manaslu

Ito ay matatagpuan sa Nepal.  Ito ay may taas na 8, 163 metro.

Mount Nanga Parbat

Ito ay makikita sa Pakistan.  May taas itong 8, 126 metro.

Mount Annapurna

Ito ay may taas na 8,091 metro  at pang-sampu sa pinakamataas na bundok sa buong mundo.  Matatagpuan pa rin ito sa Nepal.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang:

Pinakamataas na bundok sa buong daigdig- brainly.ph/question/1542223

10 pinakamataas na bundok sa buong daigdig- brainly.ph/question/364670

Ano-ano ang pinakamataas na bundok sa daigdig- brainly.ph/question/591991

Similar questions