Hindi, asked by Niharikasahu258, 6 months ago

Ano ang tatlong pagkakataon o sitwasyon na ginagamit ang wika

Answers

Answered by altheatadeobasan
3

Answer:

Ginagamit ang wika sa iba’t ibang sitwasyon. Una na rito ay sa pakikipag-usap sa iyong kapuwa. Ang pakikipag-usap ay ginagamitan ng wika upang mas maging epektibo ang mensaheng nais ipahiwatig. Sa pakikipagtalastasan ay nagkakaroon din ng palitan ng impormasyon, damdamin, at ideya.

Ikalawa, ang wika ay ginagamit sa pagsusulat. Maliban sa pasalita, ang wika ay nababasa rin sa mga isinusulat na akda at dokumento. Ito ay mas mabisa kaysa pagsasalita dahil nagmimistulang nakalimbag na paraan ng pagsasalita ang pagsusulat na maaari ding mabasa ng iba.

Ikatlo, ginagamit ang wika sa likhang sining tulad ng awitin. Ang awitin, ay binubuo rin ng wika. Ang kaibahan lamang ay nilalapatan ito ng musika at tono upang mas maging malikhain ang pagpapahayag.

Answered by DRAGGO
0

Answer:

bhai samaz nahi aaya achhe se likho

Similar questions