History, asked by jehurimando517, 8 months ago

anong ibig sabihin ng oikonomeia​

Answers

Answered by vvgs2608
0

Answer:

Ibig sabihin ng salitang Griyego na oikonomia

Ang ibig sabihin ng salitang Griyego na oikonomia ay "pamamahala sa bahay o tahanan" ito ay galing sa salitang “oikos” na ang ibig sabihin ay bahay at “nomos” o pamamahala o tinatawag na ekonomiya sa wikang Filipino. Ito ay  nangangahulugang pagkakaroon ng sapat na budget ng isang lugar o bansa na nangangailang pagkasayahin sa mga pangunahing pangangailangan ng mga nasasakupan upang makapamuhay ng maayos, mahusay at mapayapa.

Limang Hakbang upang Maisaayos ang Ekonomiya ng Bansa

Magkaroon ng disiplina sa sarili.

Sumunod sa mga alituntunin at batas ng lipunan.

Igalang at irespeto ang mga plano at patakaran ng pamahalaan para sa mas ikabubuti at ikalalago ng ekonomiya ng bansa.

Makilahok sa mga proyekto at programa tungo sa katuparan ng mga plano ng pamahalaan para sa pag-unlad at paglago ng ekonomiya.

Mag-ambag ng sariling kakayanan at kakayahan sa lipunan.

Maaring Maidudulot ng Magandang Ekonomiya sa Pagpapaunlad ng Lipunan

Ang pagkakaroon ng magandang ekonomiya ay batayan ng pag-unlad ng isang lugar at kapag maganda ang ekonomiya mabibigyang pansin at matutugunan ang mga pangangailngan ng mamamayan.

Makatutulong ito sa pagpapatayao ng mga istruktura upang mapabilis ang transportasyon at kominukasyon.

Makatutulong ito sa pagpapagawa ng mga gusali at istruktura na siyang magbibigay ng maayos at mahusay na serbisyo para sa kabutihan ng lahat.

Lumalago ang industriya ng bansa.

Makatutulong ito sa pag-unlad ng turismo ng isang bansa.

Lalaki ang pondo ng pamahalaan na magiging dahilan upang mas maisakatuparan ang mga proyekto ng pamahalaan para sa kabutihan ng mamamayan.

Makatutulong din ito sa pagsasakatuparan ng mga programa at proyekto ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa.  

Maraming oportunidad ang mamamayan para sa maganda at maayos na trabaho.

Explanation:

Similar questions