Geography, asked by yogeshkumar2518, 7 months ago

Bakit sinasabing ang ang kakapusan ay isang. Suliranin pan

Answers

Answered by arjunsivas
20

Answer:

Kahulugan ng Ekonomiks

Ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang walang katapusang kagustohan.Ang ekonomiks rin ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong pinagkukunang-yaman upang makagawa at maipamahagi ang iba't ibang produkto at serbisyo sa mga tao at iba't ibangt pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Aralin 2:

Kakapusan

Lahat ng ekonomiya ng bansa sa mundo ay hinahamon ng isang suliraning may kaugnayan sa kalagayan ng pinagkukunang likas na yaman at kung papaano nito matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang suliranin ng kakapusan ay ang katotohanan na hindi kayang tapatan ng anumang bansa ang pangangailangan ng mga tao nito.

Introduksyon

Maihahalintulad natin ang ekonomiya sa isang mekanismo sapagkat ito ay dynamiko at palaging nagbabago. Ang mga pinagkukunang-yaman na ginagamit sa pagbuo ng kalakal at paglilingkod ay limitado. Samantala, ang mga kagustuhan at pangangailangan ng tao ay tila walang hangganan. Bunga ng di-balanseng ugnayan na ito ang kakapusan. Dahil dito, may konseptong trade-off, kung saan tinitimbang ang kagandahan nang supply ng isa sa iba.

ang tatlong palatandaan ng kakapusan

ang KONSEPTO NG KAKAPUSAN

ANG dalawang uri ng kakapusan

ABSOLUTE

RELATIVE

Sa Yamang Likas – pagkasira at pagkaubos ng mga hayop, halaman, at mga bagay na walang buhay

Sa Yamang Tao – pangunahing indikasyon ng kakapusan ay ang haba ng buhay ng tao

Sa Yamang Kapital – hindi maingat na paggamit sa capital, maaaring magkulang sa maintenance ang isang makina

MGA MAARING SOLUSYON SA HAMON NG KAKAPUSAN

Bilang isang mamamayang Pilipino, ano kaya ang magagawa ko?

konklusyon sa ulat

Dahil sa kakapusan, kailangan ng tao ang wastong pagpili sa mga bagay na nais niyang bilhin. Nagkakaroon ng opportunity cost sapagkat may kakapusan ang pinagkukunang-yaman. Ito ay nagiging isang panlipunang suliranin ang kakapusan kapag hindi nakakamit ng tao ang kanyang layunin. Upang maging responsable ang tao sa kanyang pagdedesisyon, kailangan niyang mabatid ang opportunity cost ng kanyang mga desisyon.

Aralin 3:

Pangangailangan at Kagustuhan

Ang pagkain,damit, at tirahan ay mga batayang pangangAailangan ng tao sapagkat hindi maaring mabuhay ang tao kung wala ang mga ito. Ang kagustuhan ay mga bagay na maaaring wala ang isang tao, ngunitmaaari parin siyang mabuhay. Hinahangad lamang ng tao ang mga ito upang makadama ng kasiyahan na higit pa sa natatamo sa mga pangunahing pangangailangan.

Batay sa teorya ni Abraham Harold Maslow, habang patuloy na napupunan ng mga tao ang kanilang batayang pangangailangan, sila ay naghahanap naman ng mas mataas na pangangailangan ayon sa pagkakasunod-sunod sa isang herarkiya.

Batay sa teorya ni David McClelland, ang pangangailangan ay may tatlong uri-- ang natamo, kapangyarihan, at pagsapi.

Aralin 4:

Alokasyon

Alokasyon – ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman upang lutasin ang suliranin ng lipunan ukol sa kakapusan

– ito ay tumutukoy sa paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao

Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman mahalagang gamitin ito ng lipunan sa episyenteng pamamaraan

Kinakailangang malinaw ang layunin ng paggamit sa mga pinagkukunang-yaman upang maiwasan ang pagka-aksaya nito

Sa alokasyon, ang pagbuo ng mga imporamasyon hinggil sa tutugunang pangangailangan ay maaaring sentralisado o desentralisado.

Sentralisado ang aloksayon kapag ang mga kinakailangang impormasyon ay binubuo ng at itinatakda ng iilang tao, grupo ng tao, o institusyon.

Desentralisado naman ang alokasyon kapag pinahihintulutan ang iba’t ibang kasapi ng ekonomiya na makabuo ng mga impormasyon at magtakda kung anu-anong pangangailagan at kagustuhan ang nais nilang unahing matugunan

Sa alokasyon, tinutukoy rin kung paano at sino ang magbibigay-halaga sa mga pinagkukunang-yaman. Dalawa ang maaari nitong maging kaayusan:

Pinag-uutos (command) – ang mga patakaran ng pamahalaan ang magtatakda sa pagbibigay –halaga sa mga pinagkukunang-yaman

Pakikipagpalitan (exchange)– ang halaga ng pinagkukunang-yaman ay itinatakda ng plano ng bawat kasapi bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan at kagustuhan.

Similar questions