: Basahin ang sanaysay. Suriin kung paano pinalawak ang paksa nito.
Ang Patuloy na Pag-init ng Mundo
Ang mundo ay natural na kumukuha ng init mula sa araw ngunit hindi lahat
ng sinag nito ay tinatanggap ng ating mundo. Ang ibang enerhiya mula sa araw ay
ibinabalik ng mundo sa kalawakan sa pormang infrared waves sa tulong ng Ozone
Layer. Sa totoo lang hindi makabubuti sa ating kapaligiran ang sobrang init lalo
na sa mga halaman.
Ayon sa siyensiya, ang pagtaas ng temperatura lalo na sa karagatan ay sanhi
ng paglakas ng pwersa ng hangin. Katunayan kung magpapatuloy ito, malalakas
Tama! Nabigyan mo ba ng hinuha ang sitwasyon?
Magaling! Handa ka ng matutuhan ang kasunod na
talakayan tungkol sa pagpapalawak ng talakayan.
Halika’t basahin mo.
5 CO_ Q1_Filipino 8_Module 6
na bagyo ang mabubuo sa ating karagatan. Ito ay pinatutunayan ng mga nagdaang
malalakas na bagyo sa ating bansa at sa iba pang panig ng mundo na kumitil ng
halos libo-libong katao. Hindi rin naiwan noon ang napakalalakas na buhawi na
sumalanta sa libo-libong kabahayan na nagdulot ng kasawian sa mga tao. Ang mga
nangyayari sa buong mundo kabilang ang Pilipinas ay palatandaan ng epekto ng
Global Warming.
Ayon naman sa mga siyentipiko mula noong 1958-1970 ang lebel ng karbon
sa Ozone Layer ay tumaas na, dito kasi napupunta ang lahat ng karbon na
nagmumula sa iba’t ibang uri ng industriya at malaki ang kinalaman nito sa patuloy
na pag-init ng mundo. Ayon naman kasi sa siyensya, ang karbon ang pumipigil sa
paglabas ng karbon, hindi na kakayanin ng Ozone Layer na ilabas ang ibang sinag
ng araw sa mundo at patuloy pang iinit ang mundo. Maraming bagay ang
pinanggagalingan ng karbon; ang pagsunog ng kagubatan o kaingin,
transportasyon, mga planta at mga pabrika, at lahat halos ng uri ng industriya.
Ang paggamit kasi ng langis ang pangunahing sanhi ng carbon emission. Sanhi nito
ang taong sinasaklawan ng teknolohiya at industriyalisasyon. Kung hindi ito
magagawan ng paraan, sasapitin ng sanlibutan ang lupit ng kalikasan na hindi
kayang kontrolin ng sinuman at malamang pagdating ng panahon maging mitsa ng
buhay tungo sa kamatayan.
Sagutin:
A. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang paksa ng iyong binasa?
2. Paano pinalawak ang paksa sa iyong binasa?
3. Ano-anong mga detalye ang binanggit sa pagpapalawak sa paksa?
4. Nakatulong ba ang mga detalyeng ibinigay upang maunawaan ang paksa?
Patunayan.
5. Ano-anong mga kaalaman kaugnay sa paksa ang natutuhan mo?
B. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa Global warning.
A. Ito ay resulta ng pagsunog ng kagubatan.
B. Ito ay makabagong bersyon ng klima ng bansa.
C. Ito ay pagtaas ng carbon monoxide at iba pang greenhouse gases.
D. Ito ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura.
2. Kung patuloy na tataas ang temperatura, alin ang kalalabasan nito.
A. Malalakas na bagyo ang mabubuo sa karagatan.
B. Masusunog ang kalawakan.
C. Mamamatay ang lahat ng may buhay sa mundo.
D. Magkakaroon ng kakulangan sa pagkain.
3. Ang mga nabanggit ay paraan upang maibsan ang pag-init ng mundo maliban sa
isa.
A. Iwasan ang paggamit ng petrolyo.
B. Magtipid ng paggamit ng enerhiya.
C. Kontrolin ang paggamit ng teknolohiya.
D. Huwag ugaliing magsunog ng mga bagay.
4. Sa anong paraan pinalawak ang paksa?
A. pagliliwanag
B. pagsusuri
C. pagbibigay-depinisyon
D. paghahawig o pagtutulad
5. Ano ang pinakapaksa ng sanaysay?
A. Ozone Layer
B. Global Warming
C. Infrared Waves
D. Carbon Emission
Answers
Answered by
79
Answer:
1. global warming
2. dito ay sinabi ang mga inpormasyon tungkol sa global warming
3. Mga impormasyon tungkol sa gobal warming at ozon layer na unti-unting numinipis dahil sa global warming
4. Oo, Dahil alam ko na ang global warming. Ito ay aking ipapaalm sa mga taong hindi pa alam.
5.Nalaman ko ngayon ang kalagayan ng ating mundo.
B.
1.A
2.B
3.D
4.A
5.B
Explanation:
Kopyahin nyo nalahat yang sagot tama yang mga sagot ko. Pa brainlyst naman ako.
Similar questions