Bilang isang mag-aaral, makatarungan bang ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar sa ating bansa? Bakit
Answers
Answer:
Noong Setyembre 21, 1944, inilabas ni Pangulong Jose P. Laurel ang Proklamasyon Blg. 29 na naglayong ipasailalim ang Pilipinas sa batas militar. Naging epektibo ito noong Setyembre 22,1944. Ganito rin ang sinunod na proseso ni Marcos, ngunit hindi niya nilagdaan ang Proklamasyon Blg. 1081 noong Setyembre 21: nilagdaan niya ito noong Setyembre 17 o Setyembre 22, gayong ang nakasaad na petsa rito ay Setyembre 21.
Sa buong itinagal ng batas militar, pinamunuan ni Pangulong Marcos ang pagkilala sa Setyembre 21 bilang National Thanksgiving Day sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 1180 s. 1973. Ginawa niya ito upang mailapat sa kasaysayan ang araw ng pagkakatatag ng kaniyang Bagong Lipunan. Lubhang naging matagumpay ang propagandang ito sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay maraming mga Pilipino, lalo na iyong mga hindi naranasan ang mga pangyayari nong Setyembre 23, 1972, ang naniniwala na ginawa ang proklamasyon ng batas militar noong Setyembre 21, 1972—na isang karaniwang pagkakamali.
Malinaw ang mga katunayan. Isang linggo bago pa man ang mismong deklarasyon ng batas militar, marami nang mga tao ang nakatanggap ng impormasyong may nakahandang plano si Marcos tungo sa lubos na pagkontrol sa pamahalaan at sa kaniyang walang-takdang pamumuno. Isa sa mga taong ito si Senador Benigno S. Aquino Jr. Sa isang talumpati noong Setyembre 13, 1972, inilantad niya ang planong ito ni Marcos na kinilalang Operation Sagittarius. Inihayag ng senador na nakatanggap siya ng isang lihim na planong militar na nanggaling mismo kay Marcos at isinaad dito na ipapasailalim ang Metro Manila at iba pang mga liblib na lugar sa kapangyarihan ng Konstabularyo ng Pilipinas (Philippine Constabulary) bilang pambungad sa batas militar. Gagamitin daw ni Marcos ang mga serye ng pambobomba sa Metro Manila, kabilang na rito ang pambobomba sa Plaza Miranda, upang pangatwiranan ang kaniyang paghawak ng lubos na kapangyarihan sa buong pamahalaan at sa kasunod nitong paglulunsad ng kaniyang awtoritaryang pamumuno. Maging sa kaniyang talaarawan, isinulat ni Pangulong Marcos noong Setyembre 14, 1972 na ipinaalam na niya sa militar na kaniyang itutuloy ang pagproklama ng batas militar.
Ito na ang rurok ng isang mahabang panahon ng paghahanda: sa mga isinulat ni Marcos sa kaniyang talaarawan noong Enero 1971, tinalakay niya ang sari-saring pagpupulong kasama ang mga makapangyarihang negosyante, mga intelektuwal mula sa Unibersidad ng Pilipinas, at ang militar. Sa mga pagpupulong na ito, sentral na paksa ang paglalatag ng mga hakbang—gaano man kalabis—na maaaring gawin sa hinaharap. Dagdag pa rito, sa kaniyang tala nong Mayo 8, 1972 ay ibinahagi niyang nag-iwan siya ng panuto sa militar na ayusin muli ang mga plano nila, kabilang na ang listahan ng mga personalidad na kailangang arestuhin. Sa araw ring iyon, nakipagkita siya kay Kalihim Juan Ponce Enrile upang asikasuhin ang mga ligal na papeles na kinakailangan.
Explanation:
Sagot:
Oo, dahil para naman ito sa kapakanan ng Pilipinas. Nakabuti ito upang pababain ang kriminalidad sa Pilipinas sapagkat, marami ang naapektuhan nito.