bilang pagtugon sa sulat gumawa ng liham para sa iyong mga magulang o lolo at lola oo ibang malapit na kamag anak na naglalahad ng iyong gagawing pagsusumikap na maisabuhay ang mga bertud ng paggalang at pagsunod
Answers
Tumugon ng liham sa iyong mga lolo't lola / magulang sa pagsunod sa mga birtud ng paggalang at pagsunod
Explanation:
Mahal na lolo,
Sana maayos kayo ni lola. Mabuti na lang ako dito at napakasaya kong natanggap ang iyong liham. Nakapag-ayos na ako ng maayos sa aking buhay sa kolehiyo at nakagawa rin ng ilang mga kaibigan.
Dadalhin ko sila sa bahay para sa susunod na bakasyon. Magaling ang buhay ng Uni. Tinitiyak ko sa iyo na hindi ako makagagambala o maling magamit ang aking kalayaan dahil lubos kong nalalaman ang mga paghihirap na hinarap ni mom upang mapunta ako sa uni na ito.
Susunod ako sa mga patakaran ng Uni at palaging itaguyod ang mga birtud na itinuro sa akin sa buong pagkabata. Ipinapangako kong ipagmamalaki ka.
Missing na kayong lahat. Iparating ang aking pagmamahal kay lola at nanay.
Pag-ibig,
Belen
Answer:
Mahal kong mga Magulang,
Una po sa lahat, nais ko po kayong pasalamatan sa lahat ng mabuting bagay na ginawa niyo para sa akin. Sa pag-aaruga at pagpapalaki po sa akin, hanggang sa patuloy na pagbigay ng mga hiling at aking pangangailangan. Maraming salamat po sa inyo Mama at Papa.
Kayo po ang naging kasangga at gabay ko sa aking mga pagsubok at problema. Hindi ko po malilimutan ang mga panahon na hinang-hina ako ay lagi po kayong nandiyan sa tabi ko handang tumulong. Salamat rin po pala sa malaking parte niyo sa pagtupad sa mga pangarap ko. Dahil ramdam ko po ang pagmamahal niyo at suporta sa mga mabubuting bagay na aking gagawin.
Sana po ay patawarin niyo ako sa mga minsan kong pagsagot sa inyo. Sa hindi ko po pagsunod at pagrespeto sa inyo. Patawarin po niyo rin ako sa pagiging pasaway ko. Sana po ay mapatawad niyo ako sa aking mga maling gawaing nagawa.
Alam ko po na sa balang araw na pagtanda niyo ay mababawasan ang inyong mga lakas, kung kaya’t naririto po ako na handang tumulong at alagaan kayo. Magpalakas pa po kayo dahil gusto ko pa po na makasama kayo ng matagal at sulitin ang bawat sandali na makapiling kayo. Sana po patuloy tayong magmahalan at magtulungan. Hindi ko po kayo malilimutan, maraming salamat po muli Mama at Papa!
Nagmamahal,
Inyong anak
Explanation: