(btw its Filipino not English) 1. Ano-ano ang mga tuntunin sa paghihiram ng mga salita? 2. Paano baybayin ang mga salitang hiram? 3. Bakit mahalagang baybayin nang wasto ang mga salitang hiram sa Filipino? 4. Ano ang kabutihang dulot ng panghihiram natin ng salita? 5. Sa paanong paraan nagiging batayan ang panghihiram ng mga salita sa pagbabago ng ating kultura?
Answers
Answer:
Tinatalakay ng artikulong ito ang palabaybayan ng Filipino, isang wikang Awstronesyo.
Dati-rati, walang pamantayang palabaybayan ang Filipino. Dulot ito ng kawalan ng pansin ng pamahalaan sa direksiyong nais tunguhin ng wikang ito. Hanggang sa ngayon, kapansin-pansin ang maliliit ngunit lubhang maraming pagkakaiba sa baybay ng mga salitang Filipino ng mga tagapaglathala at mga pamantasan.
Bagamat sinasabing hindi pa maaaring ganap na sipiin, ang ortograpiyang ito ay ginawa alinsunod sa prinsipyo ng makabagong lingguwistika. Subalit ginawa rin ito upang tugunan ang praktikal na pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang pambansa — mga nagsisimulang bumasa’t sumulat, at mga bihasa nang sumusulat at nagbabasa sa wikang pambansa; mga Pilipinong ang unang wika ay Tagalog, at ang mas maraming Pilipino na ang unang wika ay di Tagalog; mga dayuhang gustong matuto ng Filipino bilang wikang dayuhan, at ang mga Pilipinong gustong gawing tulay ang kanilang wikang sarili upang matuto ng wikang dayuhan. Hindi sapat na maging siyentipiko ang isang ortograpiya. Kailangan din itong matanggap ng publiko. Sa puntong ito, kailangang linawin na walang ganap na bagong kalakaran at kumbensiyon sa patnubay na ito. Ang marami rito ay dati nang mga kaalaman at tuntunin na naipahayag, naimungkahi o naiharap na sa nakaraan, subalit sa di malamang dahilan ay naiwaksi at nakalimutan. Sa ganang amin, ang muling pagpapahayag ng mga subok na at nakagawian nang tuntunin ay hindi masama kundi mabuting bagay.