Bumuo ng dalawang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa mga paraan na na inyong ginagawa sa oras ng sakuna upang maipakit ang inyong pananalig sa diyos ESP po ito
Answers
Answer:
I think this would help you
Kapag ang pananampalataya ay naunawaang mabuti at ginamit nang wasto, napakalaki ng epekto nito. Kayang baguhin ng ganitong uri ng pananampalataya ang buhay ng isang tao mula sa mababaw at pangkaraniwang mga gawain sa araw-araw at gawin itong puno ng kagalakan at kaligayahan. Ang pagpapakita ng pananampalataya ay mahalaga sa plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit. Ngunit ang tunay na pananampalataya, ang pananampalataya tungo sa kaligtasan, ay nakasentro sa Panginoong Jesucristo, pananampalataya sa Kanyang mga doktrina at turo, pananampalataya sa patnubay ng propetang hinirang ng Panginoon, pananampalataya sa kakayahang tuklasin ang ating mga tagong katangian at pag-uugaling maaaring magpabago ng buhay. Tunay na ang pananampalataya sa Tagapagligtas ay alituntunin ng pagkilos at kapangyarihan.
Ang pananampalataya ay mahalagang pundasyon ng paglikha. Tiwala ako na sumasampalataya ang Tagapagligtas na si Jesucristo sa kakayahan Niyang kumilos sa ilalim ng pamamahala ng Ama sa Langit. Ginamit ito ng Guro upang likhain ang pinakamalalayong galaxy at upang bumuo ng mga quark, ang pinakamaliliit na elemento ng bagay na alam natin ngayon. Gayunman, sumasampalataya ako na may mas maliliit pang elemento sa kagandahan ng paglikha.
Ang pananampalataya sa hinaharap ay ipinapakita ng mag-asawang ibinuklod sa templo. Nauunawaan nila na sa pagsunod sa mga turo ni Jesucristo at sa plano ng kaligayahan ng ating Ama sa Langit, magiging maligaya ang kanilang pagsasama. Nauunawaan nila na kapag dumating ang mga hamong nilayon para sa kanilang pag-unlad, makakakita sila ng mga paraan, sa panghihikayat ng Espiritu Santo, na madaig ang mga ito sa paraang kapaki-pakinabang at makapagpapatatag ng pagkatao.
Ang pananampalataya at pagkatao ay magkaugnay. Ang pananampalataya sa kapangyarihan ng pagsunod sa mga utos ng Diyos ay magpapatatag sa pagkatao ninyo sa oras ng agarang pangangailangan. Ang gayong uri ng pagkatao ay hindi nahuhubog sa oras ng malaking hamon o tukso. Ito ay nilayong gamitin sa gayong pagkakataon. Ang pananampalataya ninyo sa mga tunay na alituntunin ay nagpapatatag; ang matibay na pagkatao ay nagpapalawak sa kakayahan ninyo na higit pang sumampalataya. Dahil dito, nag-iibayo ang kakayahan at tiwala ninyong harapin ang mga pagsubok sa buhay. Sa pagtatag ng inyong pagkatao lalo ninyong magagamit ang kapangyarihan ng pananampalataya.” Matutuklasan ninyo kung paano pinatatatag ng pananampalataya at pagkatao ang isa’t isa. Ang pagkatao ay matiyagang nabubuo sa pamumuhay ng alituntunin, doktrina, at pagsunod.
Sabi ni Pangulong Hugh B. Brown: “Sa buhay, ang mga dakila at espirituwal na pagpapahalaga ay makakamtan lamang ng tao sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi mabubuhay ang tao kung walang pananampalataya dahil sa pakikipagsapalaran sa buhay, ang mismong problema ay ang pagpapatatag sa pagkatao—na hindi produkto ng katwiran, kundi ng pananampalataya sa mga huwaran at debosyon sa mga ito na may kaakibat na sakripisyo” (sa Conference Report, Okt. 1969, 105). Nagpapakita tayo ng pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa. Sinabi ni Joseph Smith na “ang pananampalataya [ay] alituntunin ng pagkilos at kapangyarihan” (Lectures on Faith [1985], 72).
Tayo ay nagiging ang nais nating maging sa pamamagitan ng palaging pagiging anuman ang nais nating maging sa bawat araw. Ang mabuting pagkatao ay mahalagang pagpapamalas ng maaari ninyong marating o kahinatnan. Ang mabuting pagkatao ay mas mahalaga kaysa anumang materyal na pag-aari ninyo, anumang kaalamang natamo ninyo sa pag-aaral, o anumang mithiing nakamtan ninyo kahit pinuri ito nang husto ng mga tao. Sa kabilang-buhay susuriin ang kabutihan ng inyong pagkatao upang malaman kung gaano kainam ninyo ginamit ang pribilehiyong mabuhay sa mundo.
Hindi kayang sirain o parupukin ni Satanas ni ng iba pang kapangyarihan ang lumalago ninyong pagkatao. Kayo lamang ang makagagawa niyan sa pamamagitan ng pagsuway. Ang dalisay na pagkatao ay nagiging abo na walang halaga kapag iginuho ng pandaraya o paglabag.
Ang katatagan ng pagkatao ay bunga ng mga tamang pagpili sa mga pagsubok ng buhay. Ang gayong mga pagpili ay ginagawa nang may tiwala sa mga bagay na pinaniniwalaan at kapag kumilos kayo ayon doon, ito ay pinagtitibay.