Dalawang pangunahing katuruan o aral (pilosopiya)
Answers
Explanation:
Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE.
Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda", na isang dakilang mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng Indiya. Ang Buddha ay nangangahulugang "ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang Buddha ay namuhay at nagturo sa silanganing bahagi ng subkontinenteng Indiyano sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-4 siglo BCE.Siya ay kinikilala ng mga Budista na isang naliwanagan na nagbahagi ng kanyang mga kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na wakasan ang pagdurusa (dukkha) sa pamamagitan ng pagtatanggal na kamangmangan (avidyā) sa pamamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan (pratītyasamutpāda) at pag-aalis ng pagnanasa (taṇhā), at kaya ay makakamit ang pinakamataas na kaligayahan na nirvāṇa.
Di-teosentriko (Ingles: non-theocentric) ang Budismo. Walang sentrong "Diyos" sa Budismo. Kahit nito, puwedeng maniwala ang Budista sa maraming klaseng diyos sa mundong ito at sa iba-iba pang mga mundo. Ang mga diyos ay parte ng malawak na ekolohiyang binibilang na ang tao, hayop, demonyo, at iba-ibang klaseng buhay. Sa Budistang kosmolohiya, mayroong maraming mundo, bukod sa ating mundo.