Dulot ng mga pang-aabuso sa agraryo at pangangamkam ng mga prayle ng lupa mula sa
mga katutubo, isang pag-aalsa ang sumiklab sa Katagalugan sa pangunguna ng mga bayan ng
Lian at Nasugbo sa Batangas sa pagitan ng 1745 at 1746. Ito ay umabot sa mga karatig-
lalawigan ng Laguna at Cavite, maging sa Bulacan. Nakilala sa kasaysayan bilang Pag-aalsang
Agraryo ng 1745, ito ay isang pagkilos upang tubusin o bawiin sa mga prayle at mga orden ang
mga lupang pamana sa kanila ng kanilang mga ninuno o ancestral domain. Nagmatigas ang mga
prayle. Dahil dito, lumaganap ang kaguluhan at at naging talamak ang pagnanakaw sa mga
kumbento. Ang ilang simbahan, maging mga kabukiran, ay winasak at sinunog ng mga
katutubo. Ang pangyayaring ito ay nakarating kay Ferdinand VI na dagliang ipnag-utos na ibalik
ng mga prayle ang mga naturang lupang pamana. Nag-apila ang mga prayle kung kaya’t walang
lupang naibalik sa mga katutubo.
Ipinakikita ng pag-aalsang ito ang kakayahan at kapangyarihan ng mga prayle hindi
lamang sa usaping panrelihiyon kung hind imaging sa ibang aspekto ng pamumuhay sa kolonya.
Pag-aalsa ni Hermano Pule
Maituturing na isa sa pinakatanyag na pag-aalsang
panrelihiyon ay ang pag-aalsa ni Pule na naganap mula Hunyo
1840 hanggang Nobyembre 1841 sa pamumuno ni Apolinario
de la Cruz. Sa murang edad, hinangad niya na maging isang
pari. Kaya naman noong 1829, sinubukan niyang pumasok sa
orden ng Dominican sa Maynila. Sa panahong ito, tanging ang
mga Espanyol ang nabibigyan ng pagkakataong maging bahagi
ng orden at manatili sa kumbento bilang mga paring regular.
Samantala, ang mga Filipino o indio ay maaari lamang
magsilbi sa simbahan bilang mga paring sekular o mga paring
hindi nabibilang sa ano mang ordeng relihiyoso. Dahil dito,
sinikap niyang aralin ang doktrina ng Simbahan at isinapuso
ang nilalaman ng Bibliya habang nagtatrabaho sa Ospital ng
San Juan de Dios.
Noong 1832, itinatag niya sa Lucban ang Cofradia de san Jose, isang kapatirang
panrelihiyon na kinabibilangan ng mga indio. Dito siya nakilala ng kaniyang mga taga-sunod
bilang Hermano Pule. Ang kapatirang ito ay naglalayong paigtingin ang pagsasagawa ng mga
mabubuting gawain ng isang Kristiyano.
Hinangad ni Hermano Pule na kilalanin ng mga Espanyol ang kapatirang kaniyang
itinatag at ninais na mapabilang ito sa ordeng Dominikano. Labis itong ikinagalit at tinutulan
ng pamahalaang Espanyol sa pamumuno ni Gobernador-Heneral Marcelino de Oraa Lecumberri.
Noong Oktubre 1841, nagpadala ang pamahalaan ng tropa ng mga sundalo upang sapilitang
buwagin ang kapatiran na may 4000 na ang kasapi at nagsasagawa ng kilos-protesta sa isang
baryo sa Mt. Banahaw. Marami sa mga kasapi-matanda, bata, at babae- ang kung hindi dinakip
ay pinatay ng mga sundalong Espanyol. Ang pinunong si Hermano Pule ay nakatakas at nagtago
sa Barrio Gibanga ngunit agad ding nahuli ng mga Espanyol. Ipinakulong siya at hinatulan ng
kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. Namatay si Hermano Pule sa edad na 27. Ang
Answers
Answer:
pag aalsang agraryo
Explanation:
that thats correct me if im wrong
Answer:
Pag-aalsa ni Hermano Pule ay nagpakita ng hindi pagtanggap ng mga Filipino sa pang-aabuso ng mga Espanyol sa kanilang relihiyong sistema at sa pang-aapi sa mga Filipino na nais maging bahagi ng kanilang orden.
Explanation:
pag-aalsa ni Hermano Pule ay nagpakita ng hindi pagtanggap ng mga Filipino sa pang-aabuso ng mga Espanyol sa kanilang relihiyong sistema at sa pang-aapi sa mga Filipino na nais maging bahagi ng kanilang orden. Ipinakita rin ng pag-aalsang ito ang pagkakaisa ng mga katutubo upang labanan ang mga prayle at Espanyol sa kanilang mga karapatan at kalayaan. Ito rin ay naging inspirasyon para sa mga susunod na pag-aalsa laban sa mga Espanyol at sa pananatili ng kolonyalismo sa Pilipinas.
To learn more about similar questions visit:
https://brainly.in/question/35626870?referrer=searchResults
https://brainly.in/question/45284170?referrer=searchResults
#SPJ3