economic paper answer sheet 2019
Answers
Explanation:
Ang kakapusan(scarcity) ay umiiral dahilan ng mga limitadong pagkuha ng yaman at walang hangganan o katapusan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan. Samantalang ang kakulangan(shortage) naman ay nangyayari kapag may temporary o pansamantalang pagkukulang sa mga supply ng mga produkto gaya ng kakulangan ng supply ng bigas dahil sa mga kalamidad.
Ang Pagkakatulad ng Kakapusan at Kakulangan
Ano ang pagkakatulad ng kakapusan at kakulangan? Ang kakapusan at kakulangan ay mga suliraning pang-ekonomiya. Lahat ng bansa ay may kani-kaniyang suliranin na may kinalaman sa kalagayan ng mga pinagkukunang-yaman lalo’t ng mga likas na yaman at kakayahan ng mga ito na matugunanan ang kanilang mga pangangailangan at kanilang mga hilig.
Ang mga impormasyon sa ibaba ay tungkol sa kung bakit nagkakaroon ng kakapusan at kakulangan, at kung ano-ano ang mga palatandaan ng kakapusan at ano-ano ang mga palatandaan ng kakulangan.
Ang Kakapusan
Ang kakapusan ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng mga suliranin pang-ekonomiya. Dahil sa suliraning kakapusan, mahalaga na pag-isipan ng bansa kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at gaano karami. Mahalaga rin na matukoy kung para kanino ang gagawin at paano ipamamahagi. Ang kakapusan ay tumutukoy sa pagkakaroonng limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman na ginagamit sa paglikha ng mga produkto.
Ito ay isang kalagayan na kaakibat ng buhay ng mga tao na naglalarawan ng pagtutunggalian sa paggamit ng mga yaman ng bansa para matugunan ang mga pangangailangan. Epekto ito ng paghahanap ng iba't ibang paraan upang matamo ang lubos nakapakinabangan sa paggamit ng mga yamang bansa.
Halimbawa ng kakapusan:
Disenyo ng kalikasan
Produksyon at paggawa
Ang Disenyo ng Kalikasan
Ang kondisyon ng kalikasan ay nagtatakda ng limitasyon at nagiging isang pangunahing pang-ekonomiyang isyu ng isang bansa. Kung hindi susundin ang likas na disenyo ng lupa, tubig, hangin, at iba pa sa kalikasan lalong magdudulot ito ng kakulangan. Ang kalikasan ay may natural na pagbubunga, pagpapahinga, sakop at limitayson. Dapat itong sundin at pangalagaan.
Produksyon at Paggawa
Ang kakapusan ay isang uri ng suliraning hindi lamang itinatalaga ng limitasyon sa mga pinagkukunan ng yaman na ginagamit sa produksyon at paggawa kundi pati sa mga paglikha ng mga serbisyo at produkto.
Isa itong uri ng kalagayan kung saan may kaugnayan ang buhay ng mga tao sa panlipunang pagtutunggalian gamit ang mga yaman ng bansa bilang sagot sa mga pangangailangan ng lipunan. Ito ay palagiang problema ng tao at maging ng lipunan na ‘di ganoong kadaling malutas.
Ang Kakulangan
Ang kakulangan naman ay isang kalagayan na panandalian lamang. Ito ay maaaring gawa o likha ng tao. Ito ang nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang ng supply ng mga produkto. Ang pagkakaroon ng artipisyal na kakulangan ay madalas na nangyayarisa isang ekonomiya.
Ang kakulangan ay tinatayang pansamantala lamang dahil may magagawa pa ang tao para maayos at masolusyunan ang isyung ito. Tandaan na ang kakulangan ay hindi likas, ito ay maaaring gawa o likha ng tao. Nagaganap lamang ang kakulangan kung may pansamantalang pagkukulang ng supply sa mga produkto. Sa katunayan, ang pagkakaroon ng artipisyal na kakulangan ay madalas na nangyayaring isyung pang-ekonomika.
Ito ay kalimitang tinatawag na “panandaliang kawalan” o hindi kasapatan ng mga pangangailangan para sa mga mamamayan. Kung kaya ay may napakalaking tyansa na ito ay gawa lang ng tao. Madalas itong mangyari sa tuwing may pansamantalang pagkukulang ng suplay ng isang produkto o serbisyo.
Sa panahon ngayon at sa ekonomiya ng maraming bansa, madalas na nangyayari ang pagkakaroon ng mga artipisyal at teknolohikal na kakulangan. Sinasabing kapag naisaayos na ang suplay, nawawala na ang awtomatikong kakulangan
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/336540#readmore