World Languages, asked by alistairkairi, 4 months ago

Gaano kahalagang matukoy at malaman natin kung anong uri ng teksto ang nilalaman ng bawat lathalaing ating nababasa?

Answers

Answered by akhil20007
0

Answer:

Pagbasa bilang isa sa limang makrong kasanayan pangwika ay napakahalaga.Gaano kahalaga ang pagbasa? Napakalaki ang pagbabagong nagaganap sa ating daigdig dulot ng pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya. Lumalawak na ang kaalaman at karunungan lalo na ngayong dumadami na ang mga babasahin, magasin at lathalain.Ang mga impormasyon at kaalaman sa iba’t ibang larangan: panlipunan, pangkabuhayan, pulitika, siyensiya, edukasyon, isports, libangan, pananamit, pagkain at iba pa ay tunay na nakatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga mamamayan ng bansa. Ang lahat ng ito ay natatamo sa pamamagitan ng pagbabasa.Ang pagbasa ay nauuri ayon sa layunin at paraan. Batay sa layunin, ang pagbasa aymasasabing masusi at masaklaw. Batay naman sa paraan, ang pagbasa at maaaring matahimik, pasalita, mabagal, at mabilis.May tatlong lawak ang kasanayan sa pagbasa: bilis at kasanayan, pag-unawa at pagpapanatilisa isipan ng mga binasang akda, at matamang pagsusuri ng nilalaman.Mahalagang maunawaan ng mambabasa ang kahulugan ng binabasang pahayag o teksto. Dito makatutulong ang mga sumusunod na gawain: pag-alam sa kasingkahulugan o kasalungat ng mga salitang binabasa, pag-alam sa palabuuan ng mga salita, pag-alam sa mga hiram na salita, kaalaman sa patayutay na pananalita, kaalaman sa mga idyoma at pagkilala sa mga homonyms at homographs.Para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangang taglayin ang mga sumusunod na kasanayan sa pagbasa na siyang inaasahang nalilinang na sa mga mag-aaral sa kolehiyo at pamantasan: pagbuo ng balangkas, pagtukoy sa paksa o tapik, pagtukoy sa pangunahing ideya o kaisipan, paghinuha sat ono o himig ng mga pahayag, pagbuo ng hawig, pagbuo ng halaw, pagrebyu ng mga babasahin, at iba pa.Ano ba ang dapat basahin? Kahit ano, basta malaman at makabuluhan lalo na yaong mga babasahing mapagkukunan ng mga kaalaman at impormasyong nakatutulong sa pagpapaunlad hindi lamang ng ating pamumuhay kungdi ng kalagayan ng ating mundo.Ang mga pangyayaring nababasa sa mga pahayagan araw-araw ay mayaman sa maraming impormasyon. Maaaring ang mga impormasyong ito ay ukol sa pulitika, ekonomiya, lipunan, isports, pananamit, agham, pangkalusugan at maraming pang ibang saklaw ng iba’t ibang larangan at disiplina.PAG-UNAWA NG MGA TEKSTONalilinang ang limang makrong kasanayan ng isang bata habang siya ay lumalaki. Ang paglinang na ito ay isang patuloy na proseso habang siya ay nabubuhay. Ang kasanayang ito ang isa sa mga pangangailangan ng tao upang makihalubilo, makipagtalastasan, makipagpalitan ng ideya at upang maitaguyod ang kanyang buhay.Alam na natin ang pagbasa ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa babasa ng kanyang isinulat. Ibig sabihin, hindi lamang humihinto ang pagbasa sa pagkilala ng mga nakalimbag na simbolo, sa tamang pagbigkas ng mga salita, at tamang paggamit ng diin at tonos a pagbigkas, kungdi kasabay nito ang

Background image

Answered by sauravj8191
0

Answer:

the nervous system is a highly complex part of an animal that coordinates its actions and sensory information by transmitting signals to and from different parts of its part

Similar questions