Gawain 3:
Paghambingin ang Patakarang Kooptasyon at Patakarang Pasipikasyon gamit ang talahanayan sa ibaba.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Answers
Ang Patakarang Pasipikasyon ay may layuning supilin a ng damdaming nasyonalismo ng nakararaming Pilipinong patuloy na nakikipaglaban para makamit ang ganap na kalayaan sa bansa.
Ang Patakarang Kooptasyon ay ipinatupad upang pumayag ang mga Pilipino na manumpa ng katapatan sa mga Amerikano. Sa pamamagitan ng patakarang ito, unti-unting pinalitan ng mga Pilipino ang mga Amerikanong nanunungkulan sa pamahalaan. Nabigyan din ang mga Pilipino ng pagkakataong makalahok sa pamamalakad ng pamahalaan. Napasailalim sa mga Pilipino ang pamahalaang lokal ng bansa, naigawad din ng karapatang bumoto ng mga lalaking may 23 taong gulang na nakababasa at nakasusulat
Answer:
Kooptasyon:
Ang patakarang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga Amerikano na maging kasapi ng pamahalaan. Itinatalaga nila ang kanilang mga kababayan sa iba’t-ibang posisyon sa gobyerno upang mas mapalawig pa ang pagkontrol nila sa ating bansa. Ang pangunahing layunin nila ay ang mapakinabangan ng husto ang ating mga yaman at sulitin ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila. Sa kabilang banda, nagamit din ang kooptasyon upang unti-unting maipasok sa pamahalaan ang mga Pilipinong nais na magsilbi sa bayan.
Pasipikasyon:
Ang patakaran namang ito ay upang makamit ang kapayapaan sa isang lugar. Minsan, dinadaan ito ng mga Amerikano sa dahas. Kung makikita nilang sumosobra na ang laki ng populasyon ng isang lugar, magpapatupad sila ng pasipikasyon upang mabawasan ang populasyon ng lugar na ito. Marami ang namamatay sa ganitong patakaran. Para sa mga Amerikano, makakatulong ito upang makabawi ang ekonomiya.