Chemistry, asked by aifosvlogvlog, 1 day ago

Gawain 3: Paghihinuha sa Teksto Panuto: Unawaing mabuti ang sitwasyon at sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Unang araw ni John bilang mag-aaral sa Baitang 8 sa bagong paaralan nito. Wala pa siyang gaanong kakilala pero dahil siya ay likas na palakaibigan ay nakakausap niya ang isa sa mga kaklase nitong si Irvin. Napag-alaman niyang ang pamilya ni Irvin ay may-ari ng pagawaan ng sapatos sa Marikina. Ipinaliwanag sa kaniya ng kaklase ang mga paraan sa paggawa ng sapatos at ang mga sekreto upang hindi ito madaling nasisira. Sinabi rin ni Irvin na karamihan sa kanilang mga trabahante ay kanilang mga kapitbahay nang sa gayon ay mabigyan naman ng hanapbuhay ang mga ito. Bukod pa rito, nakikilahok din ang pamilya ni John sa proyekto ng kanilang barangay na "Pantawid Tsinelas" para sa mga batang mangangalakal.

Mga Tanong: 1. Paano nalaman ni John ang tungkol sa produksyon ng sapatos? 2. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng pagpalinang ng aspektong pangkabuhayan? 3. Alin naman ang nagpapakita ng pagpapalinang sa aspektong politikal at panlipunan? 4. Kung ikaw si John na isang transferee, ano ang iyong gagawin upang mapapalapit sa iyo ang iyong mga kaklase? Pangatwiranan.​

Answers

Answered by BajiKeisuke234
31

Answer:

1. Sinabi ito ng kanyang kaklaseng si irvin kung saan amg pamilya ni irvin ay may-ari ng pagawaan ng sapatos.

2. Ang pamilya nila Irvin ay may ari ng pagawaan ng sapatos sa Marikina, karamihan sa kanilang mga trabahante ay kanilang mga kapitbahay nang sa gayon ay mabigyan ng hanapbuhay ang mga ito.

3. Nakikilahok ang pamilya ni John sa proyekto ng kanilang barangay na "Pantawid Tsinelas" para sa mga batang mangangalakal.

4. Maging palakaibigan, ang pakikipag kapwa tao ay malaking tulong upang mapaunlad ang likas na panlipunang katangian ng isang tao.

Similar questions