History, asked by saharabotch, 4 months ago

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ipaliwanag ang kasabihang “Huwag mong gawin
sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.” Ipahayag ang iyong pagsang-ayono
Paano mo itinuturing ang iyong kap
pagsalungat. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Answers

Answered by wadastgrtrecv
12

Answer:Ibig sabihin nito, kung ano ang ayaw mo na ginagawa sayo ng iba ay huwag mo din gagawin ito sa kanila. Halimbawa, kung ayaw mo na saktan ka ng ibang tao ay huwag ka din mananakit.  Simpleng kasabihan lamang ito pero makikinabang tayo ng malaki. Kaayon ito sa Gintong Aral na binigkas ng Panginoong Jesus sa Mateo 7:12 (NWT), “Kaya lahat ng gusto ninyong gawin ng mga tao sa inyo, iyon din ang gawin ninyo sa kanila”.  

Mga Popular na kasabihan ng mga Pilipino

Narito ang mga popular na kasabihan ng mga Pilipino:

Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot.

Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.

Kapag may tiyaga, may nilaga.  

Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin.

Kapag may isinuksok, may madudukot.

Bato bato sa langit, ang tamaan huwag magalit.

Pagkakaiba ng Salawikain at Bugtong

Salawikain – Ito ay pangungusap na kadalasan ay matalinghaga o may malalim na kahulugan. Karaniwan itong maririnig sa mga usapan ng mga matatanda kapag pinangangaralan ang mga kabataan. Maraming arala na maaari tayong mapulot sa mga ito.  

Bugtong – Ang bugtong ay isang pangungusap na may pahulaan o isang tanong na doble o may nakatagong kahulugan. Sa Pilipinas, karaniwan nang naglalarawan ito ng mga pag-uugali ng mga tao, kaisipan at maging ng pang araw-araw na na pamumuhay ng isang tao.

Iba pang mga impormasyon sa gintong aral:

Anong kahulugan ng Gintong aral ?: brainly.ph/question/447718

Halimbawa ng maikling gintong aral: brainly.ph/question/484056

Gintong aral kay huli: brainly.ph/question/2115931

#LetsStudy

Explanation:

Similar questions