Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagnilayan ang isang kasabihan sa loob ng speech balloon. Ipaliwanag ang iyong pananaw ukol sa kasabihang ito.
Answers
Answer:Paliwanag sa Kasabihan
Ang ibig sabihin ng kasabihang ito ay sa bawat tagumpay o pagbagsak ang isang lalaki, mayroong isang babae ang nagiging dahilan nito, sapagkat ang babae ay ginawa upang samahan ang mga lalaki sa kanilang paglalakbay sa buhay.
Ang isang magandang halimbawa ng babaeng kasama ng isang lalaki sa kanyang tagumpay ay ang kanyang asawa na suportado ang lahat ng kanyang ginagawa. Kung ang mag-asawa ay nagtutulungan, at patuloy ang pagbibigay ng lakas ng loob sa isa't-isa, kaya nilang malagpasan ang anumang problema at sa huli ay magiging matagumpay ang kanilang pagsasama.
Sa kabilang banda naman, kung ang isang babae ay hindi suportado ang kanyang asawa at puro masasakit na salita pa ang binibitawan nito, babagsak at babagsak silang dalawa.
Mahalaga sa pagsasama ng dalawang tao ang pagiging supportive sa isa't-isa. Bukod dito, kailangan din ng respeto at pagtutulungan upang magtagumpay sa buhay.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pag-iibigan, pindutin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/6206691