History, asked by aruelalejandro3, 2 months ago

А
Gawain sa Pagkatuto Bilang 20: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat
ng sagot sa sagutang papel

1. Bang mag-aaral. bakit mahalagang malaman ang epekto ng mga
patakarang kolonyal na ipinatupad ng mga Espanyol sa bansa?

2. Ano baga ang maganda at masamang naidulot ng mga patakarang ito?

3. Nangyari pa kaya ang mga ito sa kasalukuyan? Paano?

4. Hahayaan mo kayang mangyari muli ito sa ating bansa? Ano ang
Bagawin mo upang hindi na mangyari ito?​

Answers

Answered by JhaicanBabila
1

Answer:

BIlang magaaral, mahalaga na malaman ko ang mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanyol upang mas mapahalagahan ko ang natatamasa kong kalayaan ngayon. Mas magagampanan ko ang aking tungkulin bilang miyembro nang komunidad kung mauunawaan ko at nang aking mga kaedad ang halaga nito.  

Isa sa magandang dulot ng mga patakarang ito, halimbawa sa patakarang pang ekonomiya, dahil sa mahirap ang buhay at kaunti ang kinikita ay mas natuto ang mga Pilipino na magtipid at pagkasyahin kung anuman ang mayroon sila. Ang isa naman sa mga di-magandang dulot nito ay ang naranasang kahirapan ng mga katutubong Pilipino. Marami ang nagbuwis ng anilang buhay para sa tinatamasa nating kalayaan ngayon.  

Maaaring nangyayari ito kahit hindi natin nakikita o nararanasan. Halimbawa ay ang monopolyo sa tabako, may panahon na nagkaroon din ng biglang pagtaas ng mga bilihin kagaya ng bawang at iba pang produkto. Dahil ito sa pagmomonopolyo ng ilang tao, korporasyon o maaaring grupo ng mga negosyante kagaya noong panahon ng mga Espanyol.  

Bilang isang mamamayan, hindi ko ito hahayaang mangyayari. Sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa mga batas at pagiging isang mabuting miyembro ng pamilya, magagawa ko ang aking tungkulin para sa patuloy na pagtatamasa ng aking kalayaan sa ngayon.  

Para sa iba pang impormasyon may kinalaman sa monopolyo sa tabako:

Anu-ano ang epekto ng monopolyo ng tabako?: brainly.ph/question/2093675

Bakit tinutulan ng mga Pilipino Ang monopolyo sa tabako?: brainly.ph/question/2704986

#LetsStudy

Explanation:

Similar questions