Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Pag-aralan ang bugtong tungkol sa palay at
adtad
ang salawikain kaugnay ng katangian ng palay. Tumukoy ng tig-tatatlong
pagkakatulad at pagkakaiba sa dalawa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel..
Nang walang biring ginto,
doon nagpapalalo;
Nang magkaginto-ginto,
doon na nga sumuko
Ang palay ay tularan,
habang nagkakalaman,
lalong nagpupugay.
Answers
Answer:
◾UNA : Ang pagkakatulad tungkol sa palay na bugtong at ang salawikain Ito ay pareho nilang sinasaad na ang palay, kahit gaano kakonti, ay dumadami pa rin.
◾PANGALAWA :Sinasaad rin na ang pagdami ng palay ay isang magandang katangian nito na maaari rin nating gamitin sa ating pagkatao o buhay.
◾IKATLO : At isinasaad rin na ang mga dahon ng palay habang bata pa na wala pang mga butil ay nakaturo pa sa Itaas. tulad sa buhay ng tao habang bata pa ay malalakas pa.
◾Ang pagkakaiba naman ng dalawa ay una, ang bugtong ay tungkol lamang sa palay. Habang ang salawikain naman ay isang kasabihan na nag-uugnay sa palay at tao.
◾Ikalawa, hindi direktang sinasabi sa bugtong na palay ang tinutukoy nito.
◾Ikatlo, ang bugtong ay ginagamit lamang na pangkasiyahan habang ang salawikain ay may aral na mapupulot.
Nang walang biring ginto
Noon nagpapalalo
Nang magkaginto-ginto
Noon na nga sumuko, :
Ang ibig sabihin
nito ay ang lubos na kayamanan ng tao ay syang nagdala sa iyong kakayahang gumawa ng kong ano ang gusto mo sa buhay na sya ring dahilan sa pagkamayabang. o pagkamataas sa buhay ngunit pagdating ng tamang panahon ay ang lahat ng iyong ginagawa ay babalik saiyo at susuko kana dahil wala kanang magagawa pa.
Ang palay ay tularan,
habang nagkakalaman,
lalong nagpupugay, :
ibig sabihin ay Ipakita ang kababaang-loob at pasasalamat kahit sa pinakamagandang panahon ng buhay mo
Explanation: