graphic organizer ng pagiging matapat
Answers
Answer:
teityr7ryyeys urjjrir
ANSWER:Matapat
Ang pagiging matapat ay isang mabuting katangian na dapat taglayin ng bawat isa, dahil ito ay ang pagiging totoo at tapat sa iyong sarili at sa ibang tao. Sa pagkakaroon ng katapatan nagiging malinis at payapa ang ating kalooban na walang iniisip o walang inaalala. Ito rin ang magdadala sa atin sa isang payapang pamumuhay na may kabutihan at busilak na kaloobang tinataglay.
Limang (5) Pangungusap ng Pagiging Matapat
Ibinalik ko ang napulot kong pitaka na naglalaman ng pera sa may-ari nito.
Ibinalik ko ang sobrang sukli ng matandang tindero sa palengke.
Inamin ko kay nanay na ako ang nakabasag ng mamahaling vase.
Ipinagbigay alam ko sa aking guro na ang papel ng pagsusulit na ibinigay sa akin ay may mga sagot na.
Umamin ako sa aking kaibigan na ako ang nagsumbong ng masama niyang ginawa sa aming kaklase.
Mga paraan ng pagpapakita ng pagiging matapat
Ang hindi pagsisinungaling sa ibang tao.
Ang pagsasabi ng katotohanan.
Ang hindi pangongopya sa pagsusulit o anumang iba't ibang klase ng pangongopya sa gawa at likha ng iba.
Ang hindi paggamit ng mga kodigo tuwing may pagsusulit sa paaralan.
Hindi pagnanakaw o pangungupit sa mga bagay na hindi ikaw ang nagmamay-ari.
Ang hindi pagsuway sa mga utos ng mga magulang.
Ang pagtitiwala sa sarili.
Ang hindi pagtatago ng iyong nararamdaman at pagsasabi ng tunay na nararamdaman.
Ang hindi pangloloko sa iba't ibang pamamaraan sa iyong kapwa o sa ibang tao.
#carryonlearning