History, asked by yuvraj7536, 6 months ago

Hlumbawa ng clilate change

Answers

Answered by irishmanzano308
10

Answer:

Ang mga sumusunod ay ang 10 halimbawa ng suliraning pangkapaligiran:

1. Climate Change

Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaibahan sa klima. Ang mga dapat at tipikal na nangyayari sa panahon at klima ay naiiba at madalas, ito ay lumalala. Halimbawa ay ang pagkakaroon ng mainit na temperature sa buwan na dapat ay malamig.

2. Polusyon

Ang polusyon ay ang presensya sa kapaligiran kung saan ito ay nagdudulot ng masamang epekto. Ang halimbawa nito ay polusyon sa tubig, sa lupa, sa hangin at sa liwanag, na madalas ay dulot ng lubos na paggamit ng mga tao sa kayamanan o kagamitan nang hindi inaayos ang pagtapon nito.  

3. Global Warming

Ang Global Warming ay ang pagtaas ng temperature ng mundo. Kada isang daang taon ay napansin ng mga ekperto na tumataas ang tipikal na temperature ng mundo. Kapag ito ay nagpatuloy sa pagtaas, matutunaw ang mga yelo sa hilaga at timog na bahagi ng mundo, tataas ang lebel ng tubig at maaring magkaroon ang mga tao at hayop ng malalang sakit.

4. Problema sa solid waste

Ang problema sa solid waste ay dahil sa hindi wastong pagsasaayos at pagtapon ng mga basura. Hindi nahihiwa-hiwalay ang mga kagamitang pwede pang gamitin at ang mga basura ay nakahalo sa isa't isa. Maaring magdulot ito ng sakit at pagkabaha.

5. Deforestation

Ang deforestation ay ang suliraning pangkalikasan kung saan lumiliit ang bilang mga puno o kagubatan. Nangyayari ito dahil sa hindi wastong pagputol ng mga puno at hindi rin napapalitan ang mga napuputol na puno. Nasisira ang kagubatan at mula dito, maaring magdulot ito ng pagkabaha at mawala ang tirahan ng mga hayop.

6. Pagnipis ng Ozone Layer

Ang pagnipis ng Ozone Layer ay dahil sa labas na carbon dioxide sa ating planeta. Kapag labis na naging manipis ang Ozone Layer, lalong tataas ang temperature ng planeta, magiging mas mainit at maaring magkaroon ng sakit ang mga tao at hayop at tumaas ang lebel ng tubig.

7. Pagkawala ng Biodiversity

Ang kaganapang ito ay epekto ng mga naunang suliraning pangkapaligiran. Dahil dito, maapektuhan rin ang ating mga pagkain at tirahan ng mga hayop. Maaring mas maraming hayop ang maging extinct o tuluyan nang mawala sa mundo.

8. Pagkasira ng Lupa

Ang pagkasira ng lupa ay maaring dulot ng kakulangan sa puno, sa polusyon at iba pang mga suliraning pangkapaligiran. Dahil dito, maapektuhan ang mga halaman at ang ecosystem.

9. Urbanisasyon

Ang urbanisasyon ay tumutukoy sa pagiging urbanidad ng isang lugar mula sa pagiging rural. Dahil dito, lumalaki ang populasyon, maaring lumaki din ang lugar na nasasakupan nito kung saan maaring maapektuhan ang ating kapaligiran. Mas pipiliin ng iba na tayuan ng mga gusali ang isang lugar kaysa sa ipreserba at alagaan ang kapaligiran.

10. Kaingin System

Ang kaingin system o kaingin ay ang pagputol o pagsunong ng mga puno at kagubatan. Ito ay may masamang epekto sa kapaligiran dahil pinipigilan nito ang pagtubo at paglaki ng mga puno at ang usok ng pagkasunog ay makakaapekto sa Ozone Layer.

Explanation:

Ano ang climate change o pagbabago ng klima? Ang epekto ng climate change at pagtaas ng temperatura sa mundo ay tumunaw sa mga Ang kahulugan ng climate change o pagbabago niyebe at yelo sa north at south pole, naka ng klima ay ang pagbabago sa karaniwang epekto din ito sa pagtaas ng tubig sa mga panahon na dapat sana ay mangyari sa isang karagatan at tiyempo ng paglago ng mga ibat-lugar.

Climate change ang mga salitang ginagamit natin upang ilarawan ang mga pagbabagong ating nararamdaman sa mga patterns ng panahon o klima sng mundo. Ito ay isang pangyayaring natural na nakikita at nararanasan sa daigdig subalit sa paglipas ng panahon, ang climate change ay lumala at naging mas mapanganib sa lahat ng nilalang.

Similar questions