Geography, asked by emelynmandeoya23, 6 months ago

ilarawan ang pilipinas

Answers

Answered by kumaripuja79
7

Answer:

Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla at teritoryo na tinatatayang higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546.

Ang Pilipinas ay isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan. Mayroon itong Pangulo ng Pilipinas na nagsisilbing parehong puno ng estado at ng gobyerno. Inihayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Imperyo ng Kastila noong Hunyo 12, 1898, kasunod lamang ng kaganapan ng Rebolusyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga orihinal na kasapi ng United Nations (UN) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Mayroon itong mga embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo.

Similar questions