Psychology, asked by sdfdsfs7893, 5 months ago

Introduction of libre ang mangarap kaya mangarap kana

Answers

Answered by davinderhappy550
19

Answer:

Sabi nga nila, libre ang mangarap at ito ay nagsisimula sa puso at isipan ng isang tao.

Lahat nang natupad ng pangarap ay nagsi­mula sa isip ng isang tao. Ang mga matagumpay na tao ay nangahas na naniwala na makamtam ang kanilang mga imposibleng pangarap. Nag-isip sila ng mataas at mala­king pangarap. Hindi nila hinayaan na matalo ng mga negatibong bagay.

Kaya mangarap para sa sarili, pamilya, at sa ibang tao. Kung ikaw ay may tinatagong pangarap, buhayin ito at mag-isip kung paano pagliyabin ang apoy sa iyong puso sa mga bagay na gustong gawin sa buhay.

Mabilis lang ang oras at maikli lang ang buhay para palampasin na matupad ang libre mong pangarap.

Kung mangangarap din lang, mangarap ka na raw ng malaki. Pero siyempre, isipin din na ang pangarap na tinatanaw ay malapit din sa katotoha­nan. Kahit ilang taon pa abutin sa iyong pagsisikap.

I hope its help you.

Similar questions