kung ikaw si Thor at kaniyang mga kasama ,ilarawan ang iyong magiging damdamin kapag nalaman mong nalinlang ka sa paligsahan ?bakit?
Answers
Answer:
malulungkot sapagkat ginawa ko lahat ng makakaya ko upang manalo sa paligsahan ngunit nilinlang ako at pinagmukhang tanga kung sa una palang ay alam kong nililinlang nila ako ay hindi ko na sana pinagpatuloy ang paligsahan ngunit wala na akong magagawa sapagkat nangyari na ang lahat at hindi na ito maibabalik pa ulit kaya tatanggapin ko nalang ng maluwag sa puso ang pagkatalo dahil ito ang nararapat.
Explanation: ayan din ang answer ko sa modules ko thankyou
Answer: Subalit, sa likod ng pagkatalong ito, inamin ng pinuno ng mga higante ang ginamit niyang paraan upang matalo si Thor.Sa kasamaang palad, ang pamamaraang ito ay hindi patas sapagkat hindi lamang lakas ang ginamit kundi mahika. Kung kaya naman ay kalungkutan ang nanaig na damdamin sapagkat ang katunggali ay hindi lumaban ng patas.
Explanation: Kung ako si Thor, ang aking mararamdaman ay malulungkot. Sa akdang Si Thor at Loki na kung saan nagtungo ang mga tauhan sa Utgaro o lugar ng mga higante upang makipaglaban sa pinuno ng mga higante ay nakaranas ng pagkabigo o pagkatalo sa iba’t ibang paligasahang ginanap.
Si Thor ay nakipaglaban nang maraming beses kay Utgaro-Loki ngunit kailanman ay hindi siya nanalo. Sa huli nga ay inamin ni Utgaro-Loki na dinaya nila si Thor, gumamit sila ng mahika upang hindi ito manalo dahil alam daw niyang hinding hindi sila mananalo kay Thor.Kung ako si Thor ay nakakaramdam din ako ng galit at pagkadismaya. Mas mainam kasi na matalo ka sa patas na labanan kaysa manalo ka na ikaw ay nlilinlang o nandaraya.Si Thor ay pinakamalakas na diyos ng Aesir, siya ay diyos ng kulog at kidlat. Samantalang si Utgaro-Loki naman ay hari ng mga higante. Sila ay mga tauhan sa mitolohiya ng Scandinavia na tinatawag na Norse. Ang Scandinavia ay binubuo ng Sweden, Norway, Denmark, Finland, Iceland, at Faroe IslandsKapag ikaw ay nandaraya hindi mo nirerespeto ang paligsahan, ang iyong kalaban, at pati na rin ang iyong sarili. Hindi ka rin magiging tunay na masaya sa tatanggaping karangalan dahil alam mo namang hindi ito bunga ng iyong galing o natatanging kakayahan bagkus bunga ng kadayaan.Sabi nga ni Mohammad Amir, gaano man kaliit bagay, kapag ito ay ginawa mo ng walang katapatan pandaraya pa rin ito. Kung ang isang tao ay nandaraya na sa maliit na bagay pa lang, malamang gagawin niya rin ito sa malaking bagay.
For more such questions -
https://brainly.in/question/33323947
#SPJ2