Magkaugnay ang National disaster risk Reduction and management framework at ang community based disaster risk management approach dahil
Answers
Answer:
Hjjuuuyyyyyyyyyyyyyuuuuuuuu6yy6
Answer:Magkaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management Framework (NDRMF) at ang Community-Based Disaster Risk Management Approach dahil pareho nilang binibigyang priyoridad ang pagiging handa sa kasakunaan bago, habang at pagkatapos. Sila ay may kaugnayan din yamang ang anumang pagkilos sa National level ay kanilang ibinibigay pansin naman sa bawat lokal na awtoridad lalo na sa apektadong mga komunidad.
National Disaster Risk Reduction and Management Framework (NDRMF)
Ang balangkas na ito (framework) ay naglalayong magbigay ng impormasyon at kaunawaan sa mga awtoridad at mga mamamayan nito tungkol sa pagkilos sa kasakunaan. Bahagi ng kanilang kampanya ang bawat lokal na mga lugar sa Pilipinas.
Ano ang ilan sa balangkas na ito na sinusundan ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM)? Narito ang ilan:
Ipinaaalam ng DRRM ang karaniwang dahilan ng mga nagpapahirap o mga panganib sa panahon ng kasakunaan. Ito ay upang mabawasan ang higit pang problema.
Ipinapakita din ng kanilang balangkas ang kinakailangang pagtutulungan ng ilang ahensya mula sa National level hanggang sa mga lokal na awotoridad upang hindi maputol ang tulong at mapabilis ang pagbangon. Kasama dito ang mga obligasyon ng bawat isa.
Basahin ang layunin ng National Disaster Risk Reduction and Management Framework ng higit sa brainly.ph/question/1648224.
Community Based Disaster Risk Management (CBDRM)
Ito ay isang proseso na nagbibigay ng pokus sa lokal na mga awtoridad na magkaroon ng sarili nilang istratehiya sa panahon ng kasakunaan. Dahil ang bawat lokal na pamayanan ay may kani-kaniyang disenyo, kalagayan at mga limitasyon. Ang mga istratehiya sa pangkalahatan ay dapat nilang ilapat sa kanilang lugar, planuhin ito kung angkop.
Ano ang mga hakbang sa pagpalano ng Disaster Risk Management? Basahin ito sa brainly.ph/question/736467.
Kasama na dito ang pagkakaroon ng mga trainings o paglalaan ng pondo para sa mga sumusunod:
Community Based Disaster Preparedness (CBDP),
Community Emergency Response Teams gaya ng sa mga First Aiders, Search and Rescue Team, Psychosocial Support, Early Warning at marami pang iba.
Community Contingency Planning (CCP) at Organisational Level Disaster Preparedness (OLDP).
Ang kabuoan nito ay tutulong sa awtoridad na maglaan ng pondo para sa mga kakailanganing pasilidad, kagamitan at mga tauhan. Gayundin, nakikita ng lokal na awtoridad ang mga potensyal na kasakunaan, ang mga lugar at populasyon na kailangang ng higit na atensyon. Lalo na ang isangkot ang mamamayan nito para maging handa.
Mayroong apat na yugto ng Community Based Disaster Risk Management (CBDRM). Basahin ito sa brainly.ph/question/1674797.
Explanation: