History, asked by jhonvicibatuan, 4 months ago

magsaliksik tungkol sa mga kilalang pagdiriwang o piyesta na naisagawa sa iba't ibang lugar sa luzon.sumulat ng isang sanaysay hinggil dito​

Attachments:

Answers

Answered by 2bolkolosis
11

Answer:

                                    Higantes Festival

Ang Fiesta ng Higantes ay isang napakahalagang selebrasyon sa Pilipinas dahil sa mga sumusunod na dahilan. Una, ang fiesta na ito ay importante para sa mga tao lalo na sa Angono. Bago magsimula ang selebrasyon, ang paggawa muna ng mga higante ang nauuna. Ang mga higantes ay mga malalaking taong gawa sa kahoy. Mayroon ding mga masasarap na pagkain sa pistang ito.

Ang Fiesta ng Higantes ay mayroong mga magagandang pangyayari, makulay na selebrasyon at maganda rin ang kasaysayan sa likod nito. Nagsimula ito noong nasa ilalim pa ng mga Kastila ang Pilipinas. Alituntunin noon ng mga Kastila n asa bawat probinsiya ay dapat mayroong pista bawat taon. Sa dinamidami ng pistang puwedeng pagpiliin, napili ng Angono ang Higantes. Napili nila ito sapagkat ito’y patrón ng mga mangingisda na pangunahing trabaho ng mga Pilipino noon. Naniniwala sila na sa pamamagitan ng pistang ito, dadami ang huli nilang mga isda. Bukod sa mga higante, bidang-bida rin sa pistang ito ang mga masasarap na pagkain na galing sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at mga engrande at makukulay na palamuti.

Ang pagiging buhay ng Pista ng Higantes ay isang patunay sa napakalaking papel ng mga mangingisda sa ating lipunan. Sana magsilbing palatandaan ang mga higante na dapat nating pahalagahan ang ating mga mangingisda.

Explanation:

Gawa ni Kyle Ruiz

PA BRAINLIEST NAMAN PO PA HEART NADIN TYAKA VOTE PARA MAKITA NG IBANG NAG HAHANAP NG SAGOT

Similar questions