History, asked by sabahat90341, 1 month ago

Magtala ng 1 - 5 mga gawain o mungkahi kung paano mapapaunlad at
mapapanatili ang mga likas na yamang nabanggit.

Answers

Answered by SonofaMF0217
0

Answer:

Explanation:

1. Sa isang simpleng paraan sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga basura sa tamang basurahan. Paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi-nabubulok. Isapuso ang 3R's na nangangahulugang Reduce, Reuse at Recycle. Pag-iwas sa pagtatapon ng mga basura sa mga ilog, kanal, sapa at iba pang mga yamang tubig na karaniwang sanhi ng pagbaha.

2. Pagtatanim ng mga halaman o mga puno. Iwasan ang pagputol ng mga puno, sa kagubatan upang maiwasan ang pagguho ng mga lupa na kung tawagin ay "soil erosion" at biglaang pagbaha dahil wala ng sisipsip sa mga tubig tuwing umuulan. Dahil sa mga puno may nalalanghap tayong sariwa at preskong hangin upang tayo ay mabuhay. Sa mga puno at halaman rin nanggagaling ang oxygen na kailangan ng tao.

3. Ang pagbabawas ng mga sasakyang naglalabas ng maiitim na usok. Ito ay nagiging sanhi ng malubhang polusyon sa bansa. Ang ating malinis na hanging nalalanghap ay napapalitan ng maruming hangin dala ng mga sasakyan at mga pabrika.  

4. Pag-iwas sa mga ilegal na gawaing pang-kalikasan tulad pagmimina, at pagkakaingin.

5. Pagpigil sa mga pang-aabuso sa lupa, tulad ng reforestation at deforestation, walang habas na pagkuha ng mga likas na yaman at panghuhuli ng mga hayop upang ibenta.  

Similar questions