mga aral na makukuha sa aralin 5
Answers
★彡 ʜᴇʀᴇ ɪs ʏᴏᴜʀ ᴀɴsᴡᴇʀ 彡★
Ang Kabanata 5 ng El Filibusterismo ay may pamagat na "Ang Bisperas ng Pasko sa Isang Kutsero."
Sa kabanatang ito inilahad ang kaawa-awang sinapit ng isang kutsero sa kamay ng mga Espanyol. Makailang-ulit siyang pinarusahan ng mga gwardya sibil dahil sa mga paglabag na kanyang nagawa.
Dito, makikita natin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas. Ang sinumang hindi sumunod sa batas ay siyang pinaparusahan. Subalit, inilahad din dito ang hindi makatarungang pagtrato ng banyaga sa mga Pilipino. Sa kasalukuyang panahon, ito ay kinukundena. Ang paglabag sa batas ay may kaukulang parusa ngunit kinakailangan pa ring dumaan ito sa tamang proseso ng paglilitis. Hindi kinakailangang gumamit ng marahas na pamamaraan upang lumabas ang tama at makamit ang hustisya.
Ipinikita din sa kabanatang ito ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa mga tradisyon. Likas sa ating lahi ang pagdiriwang ng iba't ibang okasyon. Ang mga ganitong kasiyahan ang nagbubuklod-buklod sa atin at nagpapatibay ng ating ugnayang makabayan.
ᴇʜsᴀss 彡★