Social Sciences, asked by kylejthefinn20, 6 months ago


mga heneral na pilipino at amerikano na nagkaroon ng kaugnayan sa labanang nangyari. aral pan po ​

Answers

Answered by sonalipoojri77
3

Explanation:

PUNAN 6 mas pinalalim

Published by capricornjbm79, 2020-04-15 01:37:51

Search text...

Description:

AP6 Q1 week 2&3 lesson

Read the Text Version

Pages: 1 - 19

ARALING PANLIPUNAN 6 ARALIN 2&3 MAG PANGYAYARI SA PAG –USBONG NG NASYONALISMONG PILIPINO Iba’t –ibang mahahalagang pangyayari sa bansa ang nagbigay- daan sa mga Pilipino upang magising sa katotohanan. Mahal nila ang bansang Pilipinas at gusto nilang maging Malaya. Maraming pang-aabuso at pagpapahirap ang ginawa ng mga Kastila sa mga Pilipino. Pinagsamantalahan nila ang kanilang mga karapatan at kayamanan. Subalit, unti-unting naunawaan ng mga Pilipino ang kahalagaan ng pagiging Malaya. Ano-ano ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng diwang makabansa? 1. Ang Pagbukas ng Pilipinas sa Kalakalang Pandaigdig. - Taong 1834, ng hayagang binuksan ang Maynila sa Kalakalang pandaigdig. Binuksan din ang daungan ng Sual, Iloilo at Zamboanga at ng sumunod na taon ay ang Cebu. Dahil dito ay umunlad ang mga produktong panluwas at lumaki ang kapital ng ating bansa. Pinaigi ang teknolohiyang pansakahan at dumami ang mga aning produkto ng mga magsasaka. Ang bilang ng mga may-ari ng lupain , mga negosyante at mangangalakal ay dumami rin. Gumanda ang transportasyon at komunikasyon kaya naging mabilis ang pagkilos ng mga produkto. Ang mga ganitong pagbabagong dulot ng kalakalan ang nagbigay daan sa madalas na pagkikita at pagkikilala ng mga tao. Namulat sila sa sariling kalagayan kaiba sa mga prayle at mga Kastila. 2. Ang Paglitaw ng Gitnang Uri ng mga Pilipino. Ang tao sa lipunan noong panahon ng mga Kastila ay nauuri-uri ayon sa kalagayan nila sa buhay. Ang mga purong Kastila na sa Espanya ipinanganak ay tinatawag na peninsulares . Ang mga isinilang sa Pilipinas mula sa kapwa Kastila ay mga insulares at mestizo naman ang tawag sa mula sa dalawang angkan, Kastila at Pilipino o Intsik. Ang pinakamababa sa pangkat ng tao ay ang karaniwang mamamayang Pilipino na kilala sa tawag na indio o busabos. Sa pagdaan ng mga panahon , nabago ang panghuling uri. Ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga negosyante at mangangalakal ang nagbunsod sa paglitaw ng pangkat ilustrado. Sila ang mga Pilipinong nagkaroon ng magandang katayuan sa lipunan at

Similar questions